^

PSN Opinyon

Bakit minimum wage?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Dapat bang buwagin ang isinabatas na minimum wage? Ito ang usaping tinalakay sa prestihiyosong “Square-Off” the CVC Law Debates ni Bb. Twink Macaraig sa ANC Channel kamakailan.

Kung tutuusin, ang pagsasabatas ng isang mini-     mum wage ay isang panghimasok ng pamahalaan sa pakiki­pagrelasyon ng mga negosyo at ng manggagawa. May kasaysayan ang Pilipinas, kabit sa mahabang    kasay­sayan ng Amerika, ng “laissez-faire” doctrine (let live alone or leave us be) – na mas magandang limita-han ang regu­lasyon ng gobyerno sa malayang panga­ngalakal. Subalit mas nauna pa ang Pilipinas sa Ame-rika na baguhin ang pilosopiyang ito.

Idineklara na katungkulan ng pamahalaan na pasu-kin nga ang labor contracts. Ayon sa Mataas na Huku­ man noon pang 1924, hindi patas ang sitwasyon – lugi ang maliit na manggagawa. Kung may karapatan man ang negosyo na kumita, hindi naman maari na ito’y ma­kam­tan sa pamamagitan ng pag-abuso sa iba. Kaya isinabatas ang minimum wage.

Ngayong may recession at maraming maliliit na negos­yo ang nahihirapan, naging usap-usapan kung makaka­tulong kaya ang pagbuwag sa minimum wage. Ang argu­mento ay kung payagan ang mga negosyante na magpa­sahod ng mas mababa, ito’y makakatulong sa pagbawas ng kanilang overhead expense at maka­kabawas sa presyo para mas maraming tumangkilik. Hindi lamang ito ang hinaing ng mga kontra minimum wage – ang ilan pa: May nagsasabing mapupunta lang ang trabaho sa mga dayu­ hang manggagawa, ang tinatawag na “out­sourcing”; o di kaya ibi-      gay na lamang sa makina upang makatipid.

Kung may punto man ang mga negosyante, hindi pa rin matatalikuran ang katotohanan na sa kasay­sayan, kapag ang negos­yante ay binayaan na wa­lang regulasyon – ito ay talagang manlalamang. Lalo na sa ganitong recession kung saan mahirap ang trabaho at ang tao’y kapit sa patalim.

Ang kagustuhan ng ta­umbayan ay hindi maika­kaila. Inaprubahan ang pro­bisyon sa Saligang Batas na gumagarantiya na dapat na aktibong pro­teksiyunan ng pamahalaan ang kara­patan ng mang­gagawa.

Mahalaga man na ita­guyod ang sis­tema ng ma­layang manga­ngalakal, higit na mahalaga na big­yang kalinga ng pa­ma­halaan ang maliliit nating kababayan na walang ka­laban-laban.


AMERIKA

AYON

DAPAT

HUKU

LAW DEBATES

PILIPINAS

SALIGANG BATAS

SHY

TWINK MACARAIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with