Naisagawa ang ikapitong heist, pagnanakaw o panloloob ng kilabot na bank robbery syndicate na Alvin Flores Group sa Alabang Muntinlupa nitong Lunes, Mayo 25, alas-dos ng hapon.
Walang kamalay-malay ang mga pulis, maging ang media sa nakulimbat na P3 milyon ng nasabing sindikato.
Marahil sa sobrang abala ng lahat sa isyu ng Kho-Halili sex scandal, hindi naibalita sa diyaryo, radio at telebisyon ang pagsalakay na ito ng Alvin Flores Robbery syndicate.
Ayon sa intel ng Regional Police Intelligence Officers Unit (RPIOU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO), ito ang pinaka-daring na panloloob ng grupo sa araw.
Bulgarang gumamit ng uniporme ng Philippine Natio-nal Police ang mga miyembro ng sindikato. Makikita pa sa kanilang mga suot na uniporme ang National Headquarters badge ng PNP.
Pitong miyembro ng sindikato ang pumasok sa lobby ng gusali. Kabilang dito ang isang look out na nakita rin sa CCTV ng Robinsons Supermarket sa Malabon na nilooban din ng grupo nitong April 5.
Anim na minutong nagpaikut-ikot sa lobby ng Parktrade Bldg. sa Alabang Muntinlupa ang mga sindikatong nakasuot ng uniporme ng pulis.
Ang apat na miyembro, nakabantay sa bukana ng elevator. At sa loob lamang ng 20 segundo, nakuha ng sindikato ang P3 milyong dala-dala ng empleyadong magrarasyon sana sa banko.
Tanging BITAG lamang ang nakakuha ng video mula sa CCTV ng nabiktimang establisiamento. Panoorin sa Sabado ng gabi!