^

PSN Opinyon

Teodoro o de Castro for President

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

WALA pa palang final decision ang administration Lakas at Kampi party kung sino ang magiging pambato nila para sa halalan 2010 kung ang pag-uusapan ay ang kandado este mali kandidato pala bilang Prez at Vice-Prez.

Ito ang sinabi ng mga bright people from malakanin este mali Malacanang pala.

Sabi ng mga bright kahit na mag-uulopong este magpupulong pala at formal ng magkakapit-bisig today ang Lakas-NUCD at Kampi ay alaws pang sasabihin kung sino ang magiging presidential standard bearer nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, gusto lang nila munang palakasin ang kanilang partido para panlaban sa opposition sa 2010.

Kailangan magkaroon muna ng konsensiya este mali consensus pala between party officials and of course kasama ang mga local officials sa Philippines my Philippines na kasapi ng koalisiyon.

Si Prez Gloria Macapagal Arroyo ang mamumuno sa 1st in history Lakas-Kampi national meeting siempre kasama todits si QC Mayor Feliciano ‘SB’ Belmonte na Lakas official echetera.

Kasama sa manggugulo este mali dadalo pala sina DND Secretary Gilbert ‘GIBO’ Teodoro at Vice - Prez Kabayan de Castro na sinasabing mga pagpipilian para maging standard flag bearer este mali presidential pala ng coalition.

Sinabi ni Senator Migs Zubiri ang pag-ayaw nito bilang secretary-general ng Lakas para magkaroon ng pagkakataon ang koalisyon na maging hangal este mali maghalal pala ng bago nitong mga opisyal.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dehins pala bilib si Senador Miriam Santiago sa sampalan este mali tambalan pala nina de Castro at Puno dahil kapwa walang pera ang mga ito para gastusin sa election. Hehehe!

Naku ha!

Nagpahayag si Miriam matapos ideklara ni Puno kamakalawa na kakandidato itong Vice-Prez of the Republic of the Philippines.

Dapat kasing ikonsidera ng lahat ng kakandidato ang tatlong bagay na kinabibilangan ng popularidad, pera, at organisasyon.

Dehins daw popular si Puno para manalong Vice-Prez sa Philippines my Philippines at hindi man lamang ito nakakasama sa mga survey.

Hay buhay politika.

Dehins din daw sapat ang popularidad ni de Castro para masiguradong mananalo ito sa halalan.

Ito ang lumabas ngayon:

Inaprubahan kahapon ng national council ng makaadministrasyong partidong Kabalikat ng Malayang Pilipino ang pagsanib nito sa Lakas-Christian Muslim Democrats bilang paghahanda sa halalan sa 2010.

Sa naturang pulong din na ginanap sa isang resto sa Quezon City, inihayag ni Interior and Local Government Secretary at Kampi Chairman Ronaldo Puno ang hangarin niyang kumandidatong bise presidente.

Gayunman, sinabi ni Puno na susuportahan niya ang sinumang mapipiling kandidatong bise ng koalisyon kung hindi siya ang mapipisil.

Ngayon magpupulong ang executive board ng nagsanib na Lakas at Kampi at inimbitahang dumalo bilang observer sina Defense Secretary Gilberto Teodoro at Vice President Noli de Castro na kapwa napapabalitaang kabilang sa napipisil na kandidatong presidente ng makaadministrasyong koalisyon.

Ayon kay Lakas Secretary General at Senador Miguel Zubiri, pagbabatayan nila sa pagpili ng standard bearer ang survey rating at ang integridad at kakayahan ng kandidato.

“Mahalaga ang survey rating pero, sa tingin ko, dapat mas bigyang halaga ang kakayahan at integridad ng kandidato bukod sa pagtanggap dito ng mamamayan bilang susunod na lider ng bansa,” sabi pa ni Zubiri.

Ang nagsanib na mga partido na kapwa tagasuporta ni Pangulong Arroyo ay tatawaging Lakas-Kampi-CMD at takdang iparehistro sa Commission on Elections.

Abangan.

Hayden welcome sa mga preso

SINABI ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na natutuwa ang mga preso sa karsel kung mapapasok si Hayden todits.

Sabi nga, welcome sa kanila!

Masama ang loob ng mga preso dahil sa ginawang kababuyan ni Hayden Kho Jr., sa mga babaeng nilagapot nito at kinunan pa ng video.

Usap-usapan sa Philippines my Philippines ang ginawa ni Hayden sa mga bebot tulad ni Katrina Halili et al kaya naman ang mga preso sa kulungan ay hinihintay ang culprit para malaman niya kung bakit masama ang kanilang kalooban.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi na daw baling pumatay ka ng tao kapag nakulong ka ay hindi ka nila gaanong papansinin pero ang panggagahasa at ang ginawa ni Hayden ay hindi daw nila matanggap.

‘Ano ang gagawin ng mga preso kay Hayden kung sakaling makukulong ito?’ tanong ng kuwagong haliparot.

‘Malamang ang wet puh nito ang malagapot kapag napasok sa kalaboso’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘Totoo bang mangyayari ito?’

‘Iyan kamote ang abangan natin’ Hehehe!

AYON

DEFENSE SECRETARY GILBERTO TEODORO

DEHINS

ESTE

HAYDEN

LAKAS

PALA

PUNO

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with