^

PSN Opinyon

IBM system sa GSIS sablay!

- Al G. Pedroche -

Namiminto ang isang legal war sa pagitan ng dam­buhalang kompanyang IBM Philippines at Government Service Insurance System (GSIS). Ang rason: “Sablay” na data base system. Nahihirapan ngayon ang mga miyembro ng Government Service Insurance System (GSIS) sa pagkuha ng kanilang claims dahil dito.

Kailangang umaksyon nang maagap ang IBM Philippines. Grabe iyan. Ginastusan ng malaki pero sumablay ang computer system ng GSIS. Natural, mga GSIS members ang apektado. Hirap na hirap ang GSIS sa pagpro­seso ng mga claims ng mga members at pensyunado.

Nagpalabas ang Government Service Insurance    System (GSIS) ng isang open letter sa mga kasapi at pensyonado. Ipinaliwanag kung papaanong ang software na ikinabit ng IBM sa GSIS ay lalung gumulo sa sistema.

Matagal na raw nagreklamo ang GSIS sa IBM Philippines. Mismong ang main office ng IBM sa Ontario, Canada ang nagsabi na ang IBM software ang may depekto, ngunit ang lokal na executive ng IBM ay wala namang aksyon sa problema. Ito rin ang dahilan ng mga problema ng GSIS sa pagtanggap ng bayad ng members.

Ang tanging ginawa umano ng IBM Philippines ay mag ‘upload’ng software para sa DB2 database management system na ginagamit ng GSIS. Sa kabila nito, di nawala ang problema. Dalawang local affiliates ng IBM ang Questronix at SAP ang nagbunyag sa depektibong sis-te­ma. Sinabi naman ng GSIS na sa kabila ng problema, nananatili naman ang integridad ng listahan ng mga kasapi, pati mga record. Kumukonsulta na rin ang GSIS sa ibang IT experts kung paano ma­­lutas ang problema.

Nagbabala rin ang GSIS na gagawa ng aksyong legal laban sa IBM kung hin-di aaksyunan ang proble­ma. Dapat lang dahil kapa­kanan ng mga members ang naka­taya. Dapat lang magpursige ang GSIS para kasuhan ang IBM. Nani­niwala   ako’ng malaki ang laban ng GSIS.

Mahirap na nga ang buhay ngayon, mababalam pa ang release ng bene­pisyo ng mga GSIS members dahil sa proble­mang iyan.

Salamat sa political will ni GSIS chief Winston Gar­cia para ipaglaban ang usa­­­ping ito. Mahirap nga pero kinakailangang gawin.


DAPAT

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE

GOVERNMENT SERVICE INSURANCE SYSTEM

GSIS

IBM

MAHIRAP

SHY

WINSTON GAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with