Mukhang me tulog ang mayor ng General Nakar, Quezon na si Leovigildo Ruzol. Inirekomenda na kasi ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Dir. Raul Castañeda sa Department of Justice (DOJ) na kasuhan si Ruzol na itinuturong mastermind sa pagpatay kay Alyzer Avellaneda noong Enero 14, 2009. Si Avellaneda mga suki ay empleado ng munisipyo ng Gen. Nakar at kinasuhan nito si Ruzol at Rosalina Luzano, municipal budget officer, ng graft sa Ombudsman.
Ayon kay Sr. Supt. Ericson Velasquez, hepe ng CIDG-Criminal Investigation and Detection Division (CIDD) may pitong political killings sa Gen. Nakar na kanilang iniimbestigahan at apat na rito, kabilang ang kaso ni Avellaneda ay may linaw na. Makukulong kaya si Ruzol?
Ayon kay Ricardo Avellaneda, 65, naglalakad sila ng kanyang anak na si Alyzer, sa Bgy. Poblacion para bisitahin ang ginagawang bahay ng anak niya nang sumulpot ang mga suspects na sina Garry Aldamar at Clarito Baillo, na sakay sa isang scooter. Si Aldamar ay security escort ni Mayor Ruzol samantalang si Baillo ay empleado ng munisipyo. Hawak ang isang kalibre .45, nilapitan ni Baillo si Alyzer at biglang pinagbabaril. Hindi inalintana ni Baillo ang pagmamakaawa ng matan- dang Avellaneda.
Tumakas ang dalawang suspect habang si Alyzer ay itinakbo sa ospital kung saan dead on arrival na ito. Ayon kay Col. Velasquez, maraming residente ang nakakita sa pagbaril subalit walang isa man ang lumu-tang para tumestigo sa takot na resbakan ng mga suspect. Ano ba ‘yan?
Bago mapatay si Alyzer, inihayag nito sa kanyang ama na nag-text sa kanya si Ruzol na sinasabi, “Azel! Magtigil ka na sa kaka-follow-up mo sa aking kaso sa Sandiganbayan at Civil Service Commission. Kung hindi ka lulubay, ipapapatay kita sa mga tauhan ko.”
Nagsumbong din ang biktima sa tatay niya na pilit siyang pinatatanggal ni Ruzol sa kanyang position bi- lang chief ng General Services ng munisipyo dahil may alam siya sa mga illegal nila.
Minamalas naman yata si Ruzol dahil isang Ronald Maso, 37, ang sumulpot sa opisina ni Col. Velasquez noong Feb. 11, 2009 at sinabing me alam siya sa pagkamatay ni Alyzer. Ayon kay Maso kasama siya nina Aldamar at Baillo nang ipatawag ni Ruzol noong Dec. 31 sa isang meeting sa bahay ng mayor. Iniutos daw sa kanilang tatlo ni Ruzol na trabahuhin si Alyzer dahil ma-rami na itong alam na tsansaksiyon sa munisipyo. Mata-pos ang meeting, pumunta ang tatlo sa opisina ni Luzano kung saan inabutan sila ng P13,000 bilang paunang bayad sa P100,000 na napagkasunduang presyo.
Hindi sumama si Maso sa lakad dahil alam niya na si Ruzol at Alyzer ay magkamag-anak. Hanggang sa ngayon, sina Aldamar at Baillo ay nakakalaya pa. Si Ruzol at Luzano? Bahala na ang DOJ na pagbayarin sila sa mga utang nila, di ba mga suki?
Abangan!