Overpricing sa House binisto ng auditor

Kakaiba ang sipag at katapatan sa serbisyo ni state auditor Rosario “Bea” Obsequio Riel. Sana pamarisan siya ng lahat ng taga-gobyerno.

Masinop na pini-pre-audit ni Bea ang mga transaksiyon ng Kamara de Representantes. Mahalaga ito para matuklasan kung may anomalya bago pa man mabayaran ang kontratista. Kasi kung maitakbo na ang pera, magagamit pa ito ng salarin para “ayusin” ang imbestigador.

Ayon sa Vera Files news agency, sa pre-audit natuklasan ni Bea na overpriced pala ang muntik nang pagbili ng Kamara ng mga bagong fire extinguishers. Sa P4.9 milyong bid, halos P3 milyon ang overprice. Inalam agad ni Bea kung sino si Leonor Dulay na may-ari ng nanalong bidder na First Defense Enterprises. At napag-alaman niya na malapit pala ito kay dating congressman Artemio Adasa, na ngayon ay House deputy secretary general at pinuno ng bidding committee. Incorporator at aktibong kasapi hangga ngayon si Dulay ng Phil. Clean Air Foundation na pinatakbo ni Adasa nu’ng 2005-2006. Inilalapit ng foundation ang mga affiliate nito, kabilang ang kumpanya ni Dulay, sa mga opisinang gobyerno. Naglalako ito ng extinguishers na pamalit sa mga lumang units na may sangkap na halon, isang carbon na sumisira sa ozone layer.

Nangangalap ngayon si Bea ng dagdag pang ebiden-siya laban sa supplier, tulad ng substandard quality ng produkto. Karaniwang pasok niya sa trabaho ay 10 a.m.-7 p.m., pero ngayon inuumaga siya sa opisina dahil sa pagsasaliksik. Nakumbinsi na ni Bea si Speaker Prospero Nograles na suspindihin ang kontrata, ulat ng Vera Files. Ihahabla rin ni Bea sina Dulay at Adasa sa Ombudsman. Kung nagkataon, mag-iiba na ang imahe ni Adasa. Nang congressman pa ito, itinuring siyang diret-so ang bituka kaya hini- rang na chairman ng House committee on ethics.

Kapag mapatunayan ang sakdal, lalabas na unethical pala siya. At isang maliit pero masipag at ma­tapat na em­pleyado ng gobyerno ang nagpatunay nito.

* * *

Lumiham sa jariusbondoc @workmail.com


Show comments