^

PSN Opinyon

Ilang misteryo sa gobyerno

SAPOL - Jarius Bondoc -

NAGTATAKA ang mambabasang nag-e-mail sa panga­lang Justice Angel. Bakit aniya ang isang maayos na kalsada nila sa Las Piñas City ay tinitibag ng DPWH para sementohin uli? Hindi naman ito aspaltong manipis kundi konkreto na mas matagal ang buhay, kaya hindi niya maarok ang pakay.

Magngingitngit tiyak si Justice Angel kapag malaman ang totoo. Matagal nang raket sa DPWH na wasakin ang konkreto, tulad ng EDSA. Ito’y para gamitin ang luma, tuyung-tuyo’t matigas nang konkreto bilang filling material o panambak sa pundasyon ng isang private contractor na nanunuhol dito. Malimit ginagawa ang raket kapag ganitong panahon. Kasi naghuhukay na ng pampun­dasyon ang contractors para simulang itayo ang kinon­tratang gusali nang mga Setyembre (pagkatapos ng tag-ulan). Doble ang ganansiya. Ito rin ang panahon na naku­ kuwenta ng DPWH officials kung magkano pa ang nati-       tira nilang infrastructure funds mula sa taunang budget. Uubusin na nila ito, at may “tong-pats” pa mula sa kon­tra­tistang taga-tibag ng luma at taga-latag ng bagong kongkreto.

Hindi lang sa ehekutibo ginagawa ang mga mister­yosong raket. Sa lehislatura, halimbawa, lumabas nu’ng 1994 ang batas na nag-e-exempt ng import taxes sa mga libro o kagamitan para sa paglilimbag. Natural, ang implikasyon nito ay lahat ng ibang angkat na libro, na hindi para sa paglilimbag, ay bubuwisan; at ‘yun na nga ang ginagawa ng Customs. Labag ito sa 1950 Florence Agreement, na pinirmahan ng Pilipinas nu’ng 1952, na nag-aalis ng anomang buwis sa paglabas-masok ng kagamitan para sa science, education at culture saan man sa mundo. Pinaboran ng Kongreso ang kokonting local book publishers imbis na ang masa na nanganga­ilangan ng kaalaman.

Hindi na lihim ang mga misteryo rin sa hudikatura. Doon, pabali-baliktad ang mga desisyon ng mga ma­histrado, depende sa pa­dulas ng mayayamang liti­gante. Lalo sa mga kasong lupa, napapasa-kamay ng talamak na land grabber ang lehitimo’t tituladong pag-aari ng iba. Kung minsan, may parte pa ang mahis­tra­do sa ni­nakaw na hacienda.

BAKIT

FLORENCE AGREEMENT

JUSTICE ANGEL

KASI

KONGRESO

LABAG

LAS PI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with