BINABALAK ng Partido Kalikasan (PK) na mag-sponsor ng tinatawag nilang “people’s primaries”. Ayon kay tukayong Roy Cabonegro na Secretary-General ng PK para sa Metro Manila , naisipan nilang mag-invite sa lahat ng partido na hindi trapo upang pag-isahin na lang ang nasabing “people’s primaries”.
Ayon na rin kay tukayong Roy , dapat lang na lahat ng mga partido ay may primaries, ngunit malungkot sabihin na hindi ito rito ginagawa sa Pilipinas kaya ginusto nilang gawin ito. Sabi ni tukayo, ang primaries lamang ang tanging paraan upang marinig ng mga tao ang mga programa ng gobyerno ng mga gustong tumakbo.
Pinanood ko ang halos lahat ng mga debate sa Ame-rican primaries, at parang nainggit ako sa kanila at nag-taka na rin ako kung bakit hindi ito ginagawa sa Pilipinas. Naalala ko rin na noong araw, ang mga political parties dito sa atin ay nagsasagawa pa ng mga convention upang piliin ang mga itatakbo nila. Sa makatuwid, ang mga member ng partido ang pumipili, at hindi ang mga lider lang nila na parang umaasta na mga diktador.
Ayon sa aking nakakabatang kapatid na si Ike, ang mga democratic parties ang dapat na unang sumunod sa mga patakaran ng demokrasya, at kung ang mga par-tido raw ay hindi sumusunod sa demokrasya sa loob ng kanilang mga samahan, parang wala na silang karapatan na magmungkahi o magpatupad ng demokrasya para sa pangkalahatan.
Ayon kay tukayong Roy, maaring isa ako sa mga bibigyan nila ng invitation na sumali sa “people’s primaries”. Binabalak ko na tanggapin ang kanilang invitation, upang aking malaman kung tatanggapin din ng mga tao ang mga programa ng gobyerno na nasa isip ko.
Nilinaw ni tukayong Roy na ang bibigyan lang daw nila ng invitation ay ang mga lider na hindi trapo, at ang ibig nilang sabihin ay ang mga taong hindi corrupt, at hindi umaasa sa patronage politics. Sa ganoong usapan, madali kong sabihin na hindi ako trapo.