^

PSN Opinyon

'People's primaries'

- Roy Señeres -

BINABALAK ng Partido Kalikasan (PK) na mag-sponsor ng tinatawag nilang “people’s primaries”. Ayon kay tukayong Roy Cabonegro na Secretary-General ng PK para sa Metro Manila , naisipan nilang mag-invite sa lahat ng partido na hindi trapo upang pag-isahin na lang ang nasabing “people’s primaries”.

Ayon na rin kay tukayong Roy , dapat lang na lahat ng mga partido ay may primaries, ngunit malungkot sabihin na hindi ito rito ginagawa sa Pilipinas kaya ginusto nilang gawin ito. Sabi ni tukayo, ang primaries lamang ang tanging paraan upang marinig ng mga tao ang mga programa ng gobyerno ng mga gustong tumakbo.

Pinanood ko ang halos lahat ng mga debate sa Ame-rican primaries, at parang nainggit ako sa kanila at nag-taka na rin ako kung bakit hindi ito ginagawa sa Pilipinas. Naalala ko rin na noong araw, ang mga political parties dito sa atin ay nagsasagawa pa ng mga convention upang piliin ang mga itatakbo nila. Sa makatuwid, ang mga member ng partido ang pumipili, at hindi ang mga lider lang nila na parang umaasta na mga diktador.

Ayon sa aking nakakabatang kapatid na si Ike, ang     mga democratic parties ang dapat na unang sumunod          sa mga patakaran ng demokrasya, at kung ang mga par-tido raw ay hindi sumusunod sa demokrasya sa loob ng kanilang mga samahan, parang wala na silang karapatan na magmungkahi o magpatupad ng demokrasya para sa pangkalahatan.

Ayon kay tukayong Roy, maaring isa ako sa mga bibigyan nila ng invitation na sumali sa “people’s primaries”. Binabalak ko na tanggapin ang kanilang invitation, upang aking malaman kung tatanggapin din ng mga tao ang mga programa ng gob­yerno na nasa isip ko.

Nilinaw ni tukayong Roy na ang bibigyan lang daw nila ng invitation ay ang mga lider na hindi trapo, at ang ibig nilang sabihin ay ang mga taong hindi corrupt, at hindi umaasa sa patronage politics. Sa ganoong usa­pan, madali kong sabihin    na hindi ako trapo.

vuukle comment

AYON

BINABALAK

METRO MANILA

NAALALA

PARTIDO KALIKASAN

PILIPINAS

ROY CABONEGRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with