Hayden Kho, kamote ka!

Grabe ang ginawa ni Hayden Kho sa mga bebot nito nagpapakasarap na kinukunan pa ng sex video ang mga bebot na bini-biktima niya.

Sabi nga, kamote talaga!

Binatikos ng National Press Club President Benny Antiporda at ng Alyansa ng Filipinong Mamahayag President Jerry S. Yap ang kababuyan ni Kho dahil para daw hindi babae ang kanyang ermat sa mga katarantaduhan pinaggagawa ng kamote.

Hindi lang si Katrina Halili ang binaboy ni Kho pero ang una lang ang may lakas ng loob na lumabas at labanan ang kababuyan nito.

Nagpalabas ng statement si Atty. Silverio ‘Biong’ Garing, pangulo ng FEU Law Alumni Association na ang ginawang kasalbahihan ni Kho ay hindi gawain ng isang matinong doktor.

Ayon kay Garing, sa Republic Act 9262, an act defining Violence Against Women and their Children, Providing for Protective Measure for Victims. Prescribing penalties thereof and for other purposes.

Ipinaliwanag ni Garing, ang batas partikular ang Section 3, paragraph C, Psychological Violence peers to acts on omissions or likely to cause mental or emotional sufferings of the victim such as but not limited to intimidation, harassment, stalking, damage to property, public redicule or humiliation, repeated verbal abuseand mental infidelity echetera.

Siguro sa puntong ito maririndi si Kho dahil ang FEU Law Alumini Association sa pangunguna ni Garing ang kanyang makakalaban at magtatanggol at susuporta kay Katrina Halili at sa iba pang bebot na biktima ng sex video ng kamote.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi pupuedeng kumalat ang sex video na kinunan ni Kho kung hindi niya ito ibinigay sa ibang party? Tama ba, Dr. Vicky Belo!

Hindi sila aatrasan ni Halili kahit ano pa ang mangyari dahil sinira nito ang buhay ng actress. 

Maalis ba sa isip ni Katrina at mga magulang, ka­ patid, kaibigan at kamag-anak ang ginawang pagkalat ng sex video nito?

Siguro hanggang sa tumanda si Katrina ay pag­tatawanan ito ng madlang people na nakapanood ng sex video nila ni Kho.

Dapat sigurong patawan ng parusa si Kho at maglabasan ang mga biniktima ng kamoteng ito.

Abangan.


Show comments