Ang aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ay muling nagpupugay sa OFWs sa kanilang patuloy na kontribusyon sa pag-andar ng ekonomiya ng ating bansa.
Iniulat ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na umabot sa historic high ang remittance money ng OFWs noong nagdaang Marso ng kasalukuyang taon, kung saan ay umabot ito sa isa at kalahating bilyong dolyar. Ayon sa BSP, ang pigurang ito ay mas malaki pa sa naunang record high na $1.45 bilyon na naitala noong Hunyo, 2008.
Ang bulto umano nang malaking remittance na ito ay nagmula sa mga OFW sa United States, Canada, Saudi Arabia, Japan, United Kingdom, Singapore, Italy, United Arab Emirates at Germany.
Ayon sa BSP, consistent na lumaki ang remittance mula noong Enero, at pinatunayan umano ng pangyayaring ito na mali ang ginawang negatibong forecast ng multilateral agencies partikular ng Bretton Woods institutions tulad ng World Bank at International Monetary Fund.
Patuloy din umano ang malaking demand para sa OFWs sa iba’t ibang industriya sa iba’t ibang bansa. Ang kaganapang ito ay nagbibigay nang malaking inspirasyon sa ating bansa laluna sa harap ng epekto ng global financial crisis.
Dahil sa positibong pangyayaring ito, lalong napatatampok ang pangangailangang ibigay ng pamahalaan ang sapat at epektibong mga serbisyo sa OFWs bilang mga bagong bayani ng bansa.
Ayon kay Jinggoy, masakit para sa OFWs na sa kabila ng napakalaking kontribusyon nila sa bansa ay madalas pa silang napababayaan ng pamahalaan kapag sila ay nagkakaproblema sa kanilang trabaho, kondisyon sa ibayong dagat at hindi tamang pagtrato ng kanilang mga employer.
Sa mga gustong lumiham kay Senate Presi- dent Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, ipadala lang ang inyong mga liham sa kanyang tanggapan sa Room 602, Senate of the Philippines, GSIS Bldg., CCP Complex, Pasay City. Ipagpaumanhin po na hindi tinutugunan ng tanggapan ang mga solicitation letter.