Si DND Secretary Gilbert 'Gibo' Teodoro Jr.
PANGARAP ni Gilbert na dagdagan ng gobierno ng Philippines my Philippines ang funding nito para sa security matters upang maubos na ang mga rebeldeng satanista este mali komunista at Muslim.
Sabi nga, sungkitin sila!
Maliit kasi ang ibinigay ng pamahalaan para sa seguridad sa gross national product kumpara sa mga ibinibigay ng mga katabi natin bansa sa Asia para alagaan ang kapakanan ng madlang people versus communist at mga rebeldeng Muslim.
Dahil hindi sapat ang pangtustos laban sa seguridad napipilitan ang gobierno ng Republika ng Philippines na kilalanin ang mga armadong mga gagong grupo at lumikha ng alternatibong mekanismo para mahugasan este mali malunasan pala ang mga rebellion.
Aminado si Teodoro na patuloy na nahihirapan ang Philippines my Philippines sa problema sa peace and order dahil nanggugulo sa mga probinsiya ang mga armadong gago kaya naman nasasagkaan ang mga programang pang-ekonomiya at pagbabago.
Suggestion ni Teodoro, dapat magparami ng kawal ang Philippines my Philippines para mapangalagaan ang lahat ng madlang people sa Republic of the Philippines.
Tama ba, Prez Gloria Macapagal Arroyo?
Matibay si Atong sa jueteng!
WALANG sinuman ang puedeng humadlang sa kagustuhan ni Atong na magpa-sugal kahit saang sulok ng Philippines my Philippines dahil may utang na loob ang gobierno todits regarding sa isyu ni ERAP.
Kaya naman tuwang-tuwa sa galak si Atong porke ang kanyang sugalan ay kumakalat na sa buong Republika ng Pilipinas dahil kinukunsinti ito ng pamahalaan ni Arroyo.
Kabilin-bilinan ng Sandiganbayan kay Atong matapos itong palabasin sa karsel na dehins siya puedeng pumasok sa mga illegal activities partikular ang illegal gambling.
Ano ang nangyari?
Sagot-wala binalewala ni Atong ang kutos este mali utos pala ng Sandiganbayan.
Kaya very happy ito na kumakamal ng pitsa mula sa kanyang illegal activities sa ilang provinces sa Philippines my Philippines.
Bakit ayaw itong untugin ng DILG?
Malakas si Atong sa malakanin este Malacañang pala kaya alaws siyang kinatatakutan.
Kamakailan ay pinagbantaan ni Atong ang isang media man na bumabatikos sa kanya na papatayin kaya lang ang pobreng mamamahayag ay hindi na puedeng takutin pa ni kamoteng Atong dahil matagal na itong takot.
Abangan.
Hayden Kho, salbahe
BASTOS at walang galang sa mga bebot si Hayden Kho akalain mo tinitira na niya ang mga ito at pareho naman silang nasasarapan ay kinukuhanan pa ng video.
Ang masama ikinakalat pa!
Siguro dapat umaksyon ang kongreso kay kuko este mali Kho pala para malaman niya ang kanyang mga kagaguhan ginagawa sa mga bebot.
Ok lang ito kung i-video ni Kho ang kanilang ginagawang kahayupan pero ang ipakalat ito sa madlang people ay masamang gawain.
Kaya tama lang ang sabi ng isang mambabatas na tanggalan ng license si Kho para magtanda.
Sana hindi drawing ang sinasabi ng politiko baka kasi pang publicity lamang niya ito.
Abangan.
- Latest
- Trending