^

PSN Opinyon

Plendil: Mabisa sa altapresyon

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MARAMING gamot ang puwedeng inumin para bumaba ang presyon ng dugo, ngunit isa sa pinakamabisa at subok na gamot ay ang Plendil. katunayan, ika-20 taon na ng Plendil sa merkado ayon sa AstraZeneca company.

Ano ang ibig sabihin ng “presyon ng dugo” o “blood bressure”?

Ang presyon ng dugo ay tumutukoy sa lakas at bilis ng pagdaloy ng dugo sa mga ugat habang nagbobomba ang puso. Mahalaga ang presyon ng dugo para sa sapat na pagdadala ng dugo ng sustansiya sa iba’t ibang ba-hagi ng ating katawan.

Ang blood pressure ay sinusukat at sinasaad sa dalawang numero: Ang systolic at ang diastolic na presyon. Ang systolic na presyon ay ang pinakamataas na presyon sa ugat habang nagbobomba ng dugo ang puso. Ang normal na systolic na presyon ay 90 hanggang 140 mm Hg.

Ang diastolic na presyon ay ang pinakamababang presyon sa ugat habang ang puso ay nagpapahinga. Ang normal na diastolic na presyon ay 60 hanggang 90 mm Hg.

Kailan may high blood pressure o altapresyon?

Ang blood pressure na 140 over 90 (140/90) pataas ay nangangahulugan na may altapresyon ka! Kadalasan ay kailangan na itong gamutin.

Ito ang bagong klasipikasyon ng blood pressure:

• Pinakamainam: Systolic 120 o mas mababa at Diastolic 80 o mas mababa

• Mataas sa normal: Systolic 120-139 o Diastolic 80-89

• Altapresyon Baitang 1: Systolic 140-159 o Diastolic 90-99

• Altapresyon Baitang 2: Systolic lampas 160 o Diastolic lampas 100

Plendil: Mabisa at abot kaya na

Para sa may altapres­yon, ang Plendil (na may generic name na Felo­di­pine) ay binibigay ng 5 mg tablet isang beses lang sa isang araw. Kahit lampas 160/100 ang iyong pres­yon, kaya pa rin ito paba­bain ng Plendil. Baka kaila­ngan lang itaas ang Plendil sa 10 mg tablet sa isang araw.

Sa ngayon ay may mga 30% Discount Cards na ang Plendil tablets. Maku­kuha ito kapag nagpa-check-up kayo sa inyong espesyalista sa puso. Ka­pag may discount cards, aabot na lang ng P24 ang halaga ng Plendil 5 mg tablet.

Kumunsulta sa doktor para sa inyong altapresyon. Mag-ingat para hindi uma­bot sa stroke at heart attack. Sa loob ng 20 taon, maraming doktor na ang gumamit at nagtiwala sa Plendil. Good luck po!

vuukle comment

ALTAPRESYON BAITANG

ANO

DIASTOLIC

DISCOUNT CARDS

DUGO

FELO

PLENDIL

PRESYON

SHY

SYSTOLIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with