SA harap ng masamang perception na talamak ang katiwalian sa Pilipinas, mayroong isang Presidential Anti-Graft Commission (PAGC) na nagsusumikap burahin ang imaheng ito.
Sa survey ng Political and Economic Risk Consultancy (PERC) sa may 1,700 na expatriate business executive, nalagay ang Pilipinas sa pang-11 sa mga corrupt na bansa na mas mabuti kaysa tinamong rating ng Vietnam, India, Cambodia, Thailand at Indonesia. Ngunit ang ibig nating lahat na mga Pilipino ay tuluyang mabura ang masa- mang imaheng ito ng Pilipinas. Very positive naman ang pananaw tungkol dito ng PAGC. Na walang pasubaling matatamo nito ang layuning puksain ang korapsyon.
Naging kontrobersyal man ang pahayag kamakailan ni Presidente Arroyo na magpapatupad ng moral renewal program (MRAP) sa pamahalaan, ito’y isang programang ipatutupad ng PAGC ngayong Mayo 14. Aprub sa akin ang lahat ng programang may magandang intensyon basta’t patunayan lamang nito na kayang tigpasin ang problema.
Ayon kay Secretary Constancia de Guzman na pinuno ng PAGC, ang implementasyon ng programang ito ay makapagdudulot ng kapuna-punang reporma sa serbisyo publiko. Kapag sinabing reporma, makikita na natin ang mga tapat, masugid at masipag na lingkod sa mga ahensiya ng gobyerno. Sige po. Aasahan ni Juan dela Cruz iyan! Makapag-iwan man lang ng magandang legacy si Presidente Arroyo pagbaba sa puwesto sa 2010. Noong Marso 5, nagsagawa ng anti corruption workshop ang mga kinatawan mula sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Diyan ibabatay ang mga plan of action na ipatutupad sa ilalim ng programa.
Mayroon umanong binuong sampung batayan sa pagsugpo ng katiwalian na siyang gagamitin ng bawat ahensya ng ehekutibo sa pagbuo nila ng kani-kanilang programa laban sa korapsyon batay sa kanilang situwasyon at prayoridad.
Ang implementasyon ng kani-kanilang agency action plans ngayong Mayo 14 ay pagtalima sa adminis-tra-tive order 255 ng Pangu-lo hinggil sa pagkakaroon ng moral renewal sa pamahalaan. Magugunita natin na noon pang Abril 16, 2001 nang maitatag ang PAGC na ang talagang layunin ay labanan ang korapsyon sa pamahalaan.