Nagbabalik... bus holdap!
Nais lamang magbalik tanaw ng BITAG hinggil sa ilang mga kaso na dati na naming nahawakan at patuloy pa rin naming tinututukan.
Taong 2007 nang pasimulan ng BITAG ang paglalantad sa ilang grupo ng mga notoryus na holdaper sa bus. Mula Metro Manila hanggang sa kalapit nitong mga probinsiya, tumitira o nagdedeklara ng holdap ang mga grupong ito.
Nahubaran ng BITAG ang mga pagmumukha ng ilan sa mga ito kung saan aktibo ang Quezon City Police District sa paghuli sa mga holdaper sa bus.
Sari-saring pag-iingat pa ang ipinalabas ng Philippine National Police, mga suhestiyon na makakatulong upang madaling makita kung kasalukuyang hinoholdap na ang isang pampublikong bus.
Mayroong ipinagbawal ang paglalagay ng kurtina o mga de kulay na salamin ng bintana ng bus upang makita ang kaganapang nangyayari sa loob ng bus. Isa na dito ang mga ikinikilos ng mga holdaper sa loob.
Meron ding paglalagay umano ng parang sirena o ilaw sa ibabaw ng mga bus bilang hudyat na ito ay hinoholdap.
Ang hindi makakalimutan ng BITAG ay nang lumabas sa pahayagan taong 2007 mula rin sa PNP na maglalagay na umano ng mga tinatawag na bus marshals.
Eto raw yung mga regular na bubusisi, magbabantay o look out para sa mga kahinahinalang holdaper sa loob ng bus.
Ang tanong nasaan nga ba ang mga bus marshals na ito? O meron nga ba?
Kahapon ay naglabasan sa mga pahayagan na bumababa na ang crime rate o estado ng krimen sa Maynila.
Maaaring malaking tulong ang mga Closed Cir-cuit Television Camera at mga on stand by policemen na ipinatupad pa ni dating Manila Police District Director na ngayong National Police Commission Chief Roberto Rosales.
Subalit hindi naisama sa bilang ang mga kaganapang bus holdap. Hindi natin napapansin, nanunumbalik na naman ang puwersang nasa likod nito.
Ang mga halang ang bituka’t putok sa buho ng mga bus holdap, muli na namang nanunumbalik upang mambiktima.
May magagawa o so lusyon pa kaya dito ang PNP? Para sa BITAG, isang panibago at magandang hamon ulit ito para kay Gen. Boysi Rosales. Tutal ang area of operations ng mga bus holdap ay talamak sa Metro Manila.
- Latest
- Trending