Sa panahon ngayon na nilalait-lait ang Pilipinas sa ibang bansa, inaabuso ang ilan sa ating mga OFWs at maliit ang tingin ng mga dayuhan sa mga Pinoy, nakatataba ng puso na may mga taong nagdadala ng karangalan para sa Pilipinas katulad ng ating People’s Champ na si Manny Pacquiao. Naririyan din naman ang young singer na gumulantang sa buong mundo sa galing sa pag-awit na si Charise Pempengco at marami pang iba.
High profile si Pacman kaya bawat panalo niya sa ring ay talagang yumayanig na balita sa buong mundo. Gayundin naman si Charise porke malakas ang impact ng balitang showbiz.
Pero mayroon din naman tayong ibang achievers na nagdadala ng great honor sa bansa ngunit hindi masyadong napupuna ng publiko. Feel ko, dapat din naman silang purihin.
Halimbawa na rito ang aking kaibigan at “songmate” na si Rep. Ed Zialcita who notched a great distinction ang honor for our country very recently. Siya ay nahalal bilang First Vice President ng First Standing Committee on Peace and International Security ng Inter-Parliamentary Union (IPU) nitong nakaraang Abril.
Mas kapansin-pansin nga lang ang national honor na dala ni People’s Champ Manny Pacquiao pero and dala-wang distinctions na ito ay naglalagay sa mapa sa ating bansa. I’d say they are of equal importance. Pinoy pride din.
Hindi birong mahirang sa puwestong iyan sa IPU. Mara-mi ring contenders na nagmula sa iba’t ibang bansa pero si EdZa (taguri rin kay Ed) ang na-single-out. Wika nga, mistulang maraming “Ricky Hattons” ang pinataob ni EdZa.
Ang IPU ay isang prestihiyosong samahan ng mga parliamento o Kongreso sa buong daigdig. Kabilang ang Pilipinas sa may 135 bansang kasapi rito. Ito ang sentro ng dialogo para sa pandaigdig na kapayapaan. Pinagmumulan din ito ng mga inisyatibo para palakasin ang demokrasya sa mga bansa sa mundo.
Ang halalan ay ginanap unang linggo ng Abril sa Addis Ababa, Ethiopia kaugnay ng ika-120 assembly ng samahan na ginaganap dalawang beses sa isang taon. Hindi naman ako nagtataka porke ok ang track record ni EdZa kaya siya ang unang inendorso ng ASEAN+3 Group na pagkatapos ay hinirang ng mayorya ng Asia Pacific Group (APG) para sa naturang posisyon.
Marami na ring hinawakang government positions si EdZa bago naging mambabatas. Naging Chairman ng Phil-Estate Authority, Deputy Minister ng Department of Public Information, director ng RPN-9 noong panahon ni Cory Aquino. Sa panahon naman ni President Ramos, na-assign siya sa PAG-IBIG Fund at presidential management staff.
To you EdZa, congrats and keep it up!