^

PSN Opinyon

Agencies na nanloko sa Pinoy drivers, di-tatantanan ni Jinggoy

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

Hindi tatantanan ng Senado si Connie Paloma, general manager ng CYM International Services and Placement Agency Inc., iba pang opisyal nito at 11 pang ahensiya na nagsabwatan sa pambibiktima sa 137 Pinoy drivers sa Dubai.

Ito ang idineklara ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, sa kanyang nationwide radio program na “Boses ng Masa” na napapakinggan sa DZRH tuwing Byernes, 5:30-6:00 p.m.

Ang 11 ahensiya na kasabwat ng CYM ay ang Across Universe International Manpower Agency, Al Anwar International Manpower Services, Inc., BML Worldwide International Manpower Services, Inc., Bridgewood Human and Recruitment Agency, Dreams Manpower and Recruitment Agency, Experts Placement Agency, Hana Star Corporation, Jenvic International Manpower Services, Richfield Overseas Employment Company, SGA-Shahara International Manpower Services, at Vigor International Manpower Services. 

Ayon kay Jinggoy, kailangang humarap sa Senado si Paloma at ang mga kasabwat nito upang idetalye ang kanilang modus operandi. Naalarma rin si Jinggoy sa nabunyag na impormasyon na umabot sa P1.9 milyon ang naging utang ng bawat nabiktimang driver dahil sa mga hokus-pokus at panlilinlang na ginawa nina Paloma sa mga pa­peles na pilit pina­pirmahan sa mga recruit nila bilang kabayaran umano sa placement fee at mga dokumento sa ka­nilang pag-a-abroad.

Talagang nakapang­gigigil ang ginawang pan­lo­­loko sa mga driver na nag­hahangad lang naman ng kaunting dagdag na kagin­hawahan para sa kanilang pamilya kaya’t nagdesis­ yong makipagsa­palaran sa ibayong-dagat pero ina­buso ng mga walang-pu­song recruiter. Ang mga ga­nitong insi­dente ng pag­sasamantala at panli­linlang sa ating mga mang­gagawa ay tinu­tutukan at inaak­syunan ni Jinggoy. Muli rin niyang iginiit ang mahigpit na pag­papatupad ng polisiyang “no placement fee at no salary deduction” sa lahat ng mga transak­syon sa OFW recruitment dito sa ating bansa at gayundin sa mga bansang pinupunta­han ng ating mga kaba­bayang manggagawa.


ACROSS UNIVERSE INTERNATIONAL MANPOWER AGENCY

AL ANWAR INTERNATIONAL MANPOWER SERVICES

BRIDGEWOOD HUMAN AND RECRUITMENT AGENCY

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

CONNIE PALOMA

DREAMS MANPOWER AND RECRUITMENT AGENCY

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

JINGGOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with