^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Sige, ituloy ang election automation

-

ISANG taon na lamang at 2010 elections na. Magka­karoon na naman ng pagkakataong makapaghalal ng kanilang presidente at bise presidente ang mama­mayan. Ngayon pa lang, nagsisimula nang magpakita ang mga pulitiko sa pamamagitan ng kanilang mga anunsiyo sa TV. Pero malaking katanungan pa rin hang­gang ngayon kung anong sistema ang ga­gamitin sa pagbilang ng mga boto — mano-mano o computerized na? Paano’y hanggang sa isinusulat ang editorial na ito ay wala pang bidders na nakaka­pasa para magsagawa ng automation. Pitong bidders na ang sumali para mag-supply ng machines at equipment pero lahat sila’y nireject ng Commission on Elections (Comelec).

At kung ang Comelec naman ang tatanungin, sabi nila, tuloy ang automation ng 2010 elections. Wala pa raw makapagbabago sa kanilang desisyon para isulong ang automation ng election. Hindi pa raw sila nagde­deklara ng failure sa bidding. Meron pa raw panahon para maisagawa at maisaayos ang com­puterization.

Iyan naman isang magandang katangian ng Comelec chairman na si Jose Melo. Sa lahat ng naging Comelec chairman siya ang pinaka-positibo sa lahat. Maaaring mangyari ang lahat basta pinag­sikapang gawin. Hindi ba’t positibo rin ang re­aksiyon ni Melo nang panahong pinagdedeba­tehan pa ng mga mambabatas ang budget para sa automation. Sabi ni Melo, aaprubahan tiyak ng mga mam­ba­batas ang supplementary budget. Makalipas lamang ang ilang linggo ay inaprubahan ang budget.

Ngayon ay positibo pa rin si Melo na ang balak na automation ay matutupad sa susunod na May 11, 2010 elections. Hindi kailanman mahahadlangan ang kanyang pangarap na magkaroon ng kauna-unahang automation sa bansa. Tinanggihan din ni Melo ang suhestiyon na gamitin ang mga inaagiw na machines ng MegaPacific. Tinanggihan din niyang maging partial ang election. Paano nga’y positibo ang isipan ni Melo na magkakaroon pa rin ng mananalong bidder na magsusuplay sa kanilang pangangailangan.

Sige, ituloy ang automation ng election. Ipakitang kayang-kaya. Huwag nang bumalik pa sa mabagal na mano-manong bilangan na merong nangyayaring dayaan.

AUTOMATION

COMELEC

HUWAG

IPAKITANG

JOSE MELO

MELO

NGAYON

PAANO

SHY

TINANGGIHAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with