^

PSN Opinyon

Insurance firm ayaw magbayad

- Al G. Pedroche -

NGAYONG may financial crisis sa mundo, lalo naman yatang dumarami ang mga paseguruhan at financing institution na nanggugulang sa buong daigdig. Dahil kaya sa krisis pinansyal kaya sila nagkakaganyan o sila ang dahilan ng krisis?

Kaya ang tanong ng marami, tulad nung mga nabiktima ng mga pre-need scams: May natitira pa kayang matitinong kompanya ng seguro? Ummm..siguro. Sana. Tingin ko, ang nararanasang financial problem ng mundo ay dulot ng mga sakim na finance companies. Nagsamantala para tumabo ng malaki at the expense of their poor clients. Hindi na naawa na habang nagkakamal sila ay marami naman ang naghihirap sa buong mundo. Libu-libo ang nawawalan ng trabaho.

Maiba tayo ng topic na ugnay din sa ganyang isyu: Kamakailan lang ay may insidente ng hi-jacking sa Cavite. Inireklamo sa atin na ayaw magbayad ang insurance company na may hawak ng policy. Ang katuwiran: Hindi naman daw covered ng insurance yung truck na naka-insure.

 Ang truck ay pag-aari ng Kasadra Transport Corporation. Ito ay inarkila ng International Heavy Trucks Corporation (IHTC) para humakot ng isang 40-foot container van mula sa Manila International Container Port na dadalhin sa Batangas. Ang laman nito ay “skimmed milk” na idedeliver naman sa Nestle Philippines Inc.

Hinarang ng mga hijacker sa Cavite ang truck at ang driver nito ay ipinasok sa isang puting SUV habang ang trailer ng truck ay inilipat sa ibang truck at nawala na ito na parang bula. Ang IHTC at Kasarda ay magkakapatid na kumpanya at regular na inaarkila ng IHTC ang mga truck ng Kasarda para sa kanilang negosyo. Alam ito ng MAA General Assurance Phils.,Inc., ang insurance company na kinuha ng Kasarda.

 Ang halaga ng insurance ng mga truck ng Ka­sarda at IHTC sa MAA ay umaabot  ng sampung mil­yon (P10M) ba­wat isa at ang hinihingi lamang ng naka-insure ay tatlo’t kala­hating milyon na siyang halaga ng dinugas na kar­gamento. Sabi ng MAA, dahil  IHTC ang may dala   ng truck, wala silang sa­gutin dito kahit nagbabayad ng daang li­bong premium para sa insurance ang Kasarda. Sagutin na daw iyon ng IHTC.

Ang lagay ba naman, kapag gumamit ka ng ibang driver sa kotse mo at na­bangga, wala  nang sasa­gutin ang nagseguro dahil hindi ikaw ang nagmama­neho? Wala yata sa katu­wiran ang MAA assurance.

Kukunin na lang ba ng insurer ang bayad sa insurance, pero kapag naaksi­dente sa­sabihing wala na silang sa­gutin dahil asawa natin ang nagmamaneho nang ma­bang­­ga tayo.

Kung magkagayon, bakit kailangan pang magpa-insure? Ang masakit dito, puwede rin naman daw sila magbayad ng claims, pero hanggang P500,000 lang daw. Aba eh P500,000 din ang ibinayad na premium tapos yun din ang ibabalik?

Grabe. Ginamit na at pi­nagkakitaan ang pera pero ayaw harapin ang respon­sibilidad.

Ang lalong masakit, kina­kampihan pa umano ng Insurance Commission ang MAA. May katuwiran daw itong huwag magbayad. Ka­wawa ang mga ordinar­yong Pilipino na sa panahon ng kagipitan ay tila wala nang matakbuhan dahil pati gob­yerno ay hindi na sila puwe­deng idepensa. Mag-isip-isip naman sana ang MAA General Assurance at magka- roon ng habag.

vuukle comment

CAVITE

GENERAL ASSURANCE

GENERAL ASSURANCE PHILS

INSURANCE

INSURANCE COMMISSION

KASARDA

SHY

TRUCK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with