Jesus, puno ng ubas, tayo ang sanga
IKALIMANG linggo ngayon ng muling pagkabuhay at ipinaaalala sa atin ni Jesus na Siya ang tunay na puno ng ubas, tayo ay mga sanga at ang Ama sa langit ang nagtanim. Ang isang magtatanim ay pawang panganga laga ang ginagawa sa kanyang taniman upang magbunga ng sagana. Naalaala ko ang aking tatay na laging pinupuntahan ang aming kaingin. Inaayos niya ang mga tanim doon, pinuputol ang mga di-maayos na sanga at pagdating ng ilang araw, tuwang-tuwa kaming magkakapatid, marami na naman kaming aanihing bunga at gulay. Si Jesus ang matibay na puno, kaya’t tayong mga sanga ay huwag bibitaw sa kaugnayan upang hindi tayo mapahiwalay kay Jesus, ang ating puno.
Tulad noong panahon ni Pablo na sa simula ng kan-yang pagkaka-ugnay kay Jesus ay hindi na kumalas sa kanyang pananampalataya at sa kanyang pangangaral ay naging matiwasay ang simbahan sa buong Judea, Galilea at Samaria. Tumatag, lumaganap at namunga sa tulong ng Espiritu Santo at namuhay sa pagkatakot sa Panginoon. Ito rin ang pahayag ng apostol na si Juan na ang tunay na bunga ay ang prutas ng pag-ibig. Ang prutas ay ang umibig huwag sa salita o wika. Ang tunay na pag-ibig ay sa pamamagitan ng gawa.
Tayo’y manalig at mag-ibigan. Ang tagapag-alaga ay ang Diyos Ama: “pinuputol niya ang bawa’t sangang hindi namumunga at nililinis ang bawa’t sangang namumunga upang lalong dumami ang bunga”. Ang mga pag-subok sa atin ng Diyos ay isang pagpapatatag sa ating pagiging sanga. Tibayan natin ang kaugnayan sa puno upang mamunga tayo nang sagana. Kung tayo ay patuloy na magbabago katulad ng Muling Pagkabuhay ni Jesus, maraming pinuputol sa atin ang Diyos, katulad ng masasamang gawain, mga bisyo at imoralidad.
Sa mga bumabasa ng aking column, tanungin ang sa-rili: Naranasan mo na ba ang mag bagong buhay para sa kabutihan at naramdaman na ba natin na gumanda ang takbo ng ating buhay, hindi pawang material kundi ang kaunlaran ng ating pagkatao? Asahan natin na susunod na ang mga bunga na kailanman ay hindi natin inaasahan. Mararanasan natin kung sino ang ating tunay na pag-ibig sa ating kapwa at kapitbahay. Marami na akong nakapanalig na sa kanilang pagiging kasapi ng mga samahang pa nanampalataya ang nakaranas ng tunay na kasaganaan ng puso at damdamin. Ang pag-ibig ay isang tunay na puno ng Ubas.
Sabi ni Jesus: “Ako ang tunay na puno ng ubas at ang aking ama ang manggagawa”. “Abide in me and I in you. I am the vine and you are the branches. He who abides in Me and I in him bears much fruits for without me you can do no thing”. Mamunga sa ating buhay si Jesus: “You will ask what you desire, and it shall be done for you”.
Gawa 9:26-31; Salmo 22; 1Jn 3:18-24 at Jn 15:1-8s
- Latest
- Trending