^

PSN Opinyon

Thank you sa commercials?

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Summer Olympics. World Cup. SuperBowl. Pinaka­malalaking team sporting event sa buong mundo. Malaki hindi dahil sa bilang ng mga nakikipagtunggali – malaki dahil sa malaking bilang ng mga nanonood.

Hindi biro ang magdaos ng ganitong uri ng extravaganza. Hindi kapani-paniwalang halaga ang gugu­gulin upang ipaabot ang laban sa bilyon-bilyong ma­su­gid na sumusubaybay saan mang parte ng mundo. Ang bayad sa arena, sa pag-video ng mga laban, sa mga analysis ng comentador, sa oras na bibilhin sa ibat ibang istasyon – na mas mahal kung Live coverage kaysa delayed. Ang bumubuhay sa mga ganito at sa iba pang malaking sporting event tulad ng Pacquiao-Hatton ay ang mga adverti-sing sponsors. Nagbabayad sila nang malaki (taas ng tongpats) upang makuha iyong mga isa o dalawang minu­tong mahalagang airtime para sa kanilang produkto. Sa bayad naman nila nanggagaling ang pangtubos ng prod­yuser sa oras na binili sa istasyon para sa telecast. Sa madaling salita, kung walang katakut-takot na “TV commercial”, wala ring Pacquiao-Hatton.

Pandagdag din ang commercials sa pananabik ng     tao. Sa Amerika, sa taunang SuperBowl (championship ng American Football) nagpre-premiere ang mga ma­gagarang TV Commercial. Sa Olympics at sa Soccer World Cup, mga brand na gustong makuha o mapanatili ang world wide awareness (tulad ng Adidas, VISA, Pepsi) ang madalas mapapanood. Sa mga bata nga eh madalas mas mabenta pa ang commercial kaysa     mis­­mong palabas.

Siyempre, ganun din ang matematiks sa Pili­pinas. Wala nang sporting event na mas kinasa­sa­bikan kay­sa sa mga laban ni Manny Pacquiao. At dahil hindi na­man natin afford ang umang­­kas sa TEAM Pacquiao at mag­bigay ng personal na suporta sa Las Vegas ringside, ang malaking mayor­ya ay hanggang TV na lang, umaasa sa advertising spon­sors para mapa­nood ang laban.

Dahil tanggap ko ang katotohanang ito, mas ma­dali kong nasisikmura ang dami ng commercial na pi­ nalalabas tuwing may laban. Kung tutuusin din naman ay walang aksyong nagaganap sa pagitan ng mga round o tuwing half-time o time-out. Kung hindi ko gusto ang pi­nalalabas, bakit ko sasaya­ngin ang inis ko? Kung ma­ganda naman ang pagka­gawa, eh di bonus!

AMERICAN FOOTBALL

LAS VEGAS

PACQUIAO-HATTON

SA AMERIKA

SA OLYMPICS

SHY

SOCCER WORLD CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with