Lubid ng tiwala

Kuwento ito tungkol sa mountain climber na binalak akyatin ang pinaka-mataas na bundok. Sinimulan niya ang adventure matapos ang ilang taon ng pagsasanay. At dahil nais niyang solohin ang katanyagan, pinasya niyang umakyat nang mag-isa.

Tila mabigat ang gabi at makapal ang fog sa taas ng bundok, kaya walang maaninag ang adbenturero. Madilim ang paligid. Nababalutan ng ulap ang buwan at mga bituin.

Kinapa na lang niya ang daan pataas. Nang ilang ta­lampakan na lang mula sa tuktok, bigla siyang nadulas at matuling nahulog sa kalawakan. Itim lang ang naaa­ninag niya habang bumabagsak, at nakalululang paki­ ram­dam niya’y hinihigop siya ng gravity. Patuloy siyang nahulog ... at sa gitna ng kilabot ay mabilis duma­an sa isip niya ang lahat ng mabuti’t masamang nangyari sa buhay.

Dumapo ang katotohanang nasa bingit na siya ng kamatayan nang biglang humatak nang malakas ang lubid na nakapulupot sa baywang. Nakabitin ang katawan niya sa hangin. ‘Yung lubid lang ang humahawak sa kanya. At sa gayong abang kalagayan siya napasigaw, “Diyos ko, tulungan Mo ako.”

Isang malalim na boses ang kumulog mula sa langit: “Ano ang gusto mong gawin Ko?”

Halos maiiyak sumagot ang climber, “Iligtas Mo ako.”
“Naniniwala ka bang kaya kitang sagipin?” tanong ng boses.

“Siyempre, sampalataya ako’ng kaya Mo.” ‘‘Kung gay’on,” payo ng malalim na boses, “putulin mo ang lubid na nakatali sa baywang mo. Gamitin mo ang patalim, lagutin mo ang tali.” Tu­ ma­himik ang climber. Lu­mipas ang ilang minuto. Tapos, pinasya niyang lalong kuma­pit sa lubid sa pakiwari’y tanging kaligta­san. Inulat   ng rescue team na natagpu­an ang climber kinauma­gahan... nababa­lutan ng­ yelo at patid na ang hininga, Nakabitin siya ng lubid sa baywang, at na­mamaga ang mga litid ng braso’t kamay sa pagkaka-kapit.

Sampung talampakan na lang siya mula sa lupa. Hindi niya alam. Hindi siya nagtiwala.


Show comments