Lumabas na ang resulta ng imbestigasyon ng Department of Environment and Natural Resources Region 3 hinggil sa tunay na survey report sa bundok na matatagpuan sa Bgy. Bolitok, Sta. Cruz, Zambales.
Matatandaan na Nobyembre ng 2008 nang manghimasok ang BITAG sa kaso ng pagsira at panlala-pastangan ng kompanyang DMCI sa bundok sa nasabing lugar. Ito’y dahil sa humingi ng tulong ang mga residente ng Brgy. Bolitok sa BITAG dahil sa naper- wisyo at nabulabog nilang pamumuhay dahil sa pag-tibag sa parte ng bundok na pumuprotekta sa kanilang bayan.
Naglakas-loob ang DMCI na walang pakundangang tibagin at patagin ang bundok dahil sa ipinalabas na pangalawang survey report ng DENR-3 na ang lupang may numerong 3566 at 3600 ay lubog daw sa tubig. Subalit umamin sa BITAG ang unang geodetic engineer ng DENR-3 na nagsukat sa nasabing bundok na ang mga loteng nabanggit ay lupa at parte ng bundok mismo.
Kaya nga raw siya nasuspinde ng dating executive director ng DENR 3 na si Regidor De Leon ay dahil ayaw niyang ideklarang lubog sa tubig ang kanyangsurvey report sa espesipikong lote.
Nitong Miyerkules, tinungo ng BITAG ang tanggapan ng DENR-3 sa San Fernando, Pampanga kung saan nakaharap na ng BITAG ang bagong-upong direktor na pumalit kay De Leon.
Hindi na kami nagulat sa resulta ng kanilang bagong imbestigasyon dahil maging sila, napatunayang lupa o bundok at hindi lu-bog sa tubig ang lot 3566 at 3600.
Malinaw na may problema at may anomaly sa pagkakabigay ng dating pamunuan ng DENR Region 3 ng fore sure lease agreement sa DMCI.
Alamin ang mga katotohanang natuklasan ng BITAG sa kasong ito. Mali-naw pa sa sikat ng araw ang mga pagkakamali, anomalya at katiwalian sa kontrobersiyang ito.