Kumakatig ang pagkakataon sa katotohanan lalo sa kasong tinututukan ng BITAG, ang reklamong inilapit sa amin ni Ruchel Gesta.
Sa mga kababasa lamang ng espasyong ito, si Ruchel Gesta ang dating empleyado ng Tambunting na ginamit ang pangalan bilang presidente ng kanilang mga pawnshop sa Bicol.
Mga pawnshop dahil hindi lamang isa kundi limang pawnshop pa na pag-aari rin ng Tambunting kung saan ginamit ang pangalan ni Ruchel bilang presidente at may-ari ng mga ito.
Mismong ang hepe ng Bureau of Internal Revenue- Region 7 ang nagpakita ng mga dokumentong may pirma ni Ruchel subalit iba-iba naman ang sulat ng mga ito.
Ikinagulat din ni Ruchel ang mga dokumentong ito dahil hindi raw siya ang pumirma ng mga dokumentong hawak ng BIR kung saan siya ang presidente ng limang pawnshop sa Bicol.
Pinaniwalaan naman si Ruchel ng BIR-7 legal division at office of the executive director kaya’t nangako silang oras na maghain ng affidavits at motion to dismiss ang kampo ni Ruchel, hindi sila tututol.
Habang sinusulat ang kolum na ito, isang magandang balita pa ang aming natanggap. Kasalukuyang nasa Bicol si Ruchel kasama si Atty. Conde ng Public Attor-ney’s Office sa Bicol.
Si Atty. Conde ang tatayong abogado ni Ruchel na magrerepresenta sa kan- ya sa korte. Ayon din sa development pumanig ang judge sa petisyon ni Ruchel na hindi siya ang tunay na may-ari ng Galleon at iba pang pawnshop sa Bicol.
Posibleng ma-dismiss na ang kasong isinampa ng BIR kay Ruchel sa mga susunod na linggo ng buwang ito.
Pagkatapos, dito na tatayong star witness si Ruchel upang tugisin ng BIR ang Tambunting, ang tunay na nagmamay-ari ng mga Pawnshop na hindi nagbabayad ng buwis sa gobyerno.
Nalalapit na ang katapusan ng tunay na may kasalanan…tsk-tsk-tsk.