^

PSN Opinyon

'Alexander the pushover'

- Roy Señeres -

MALAMANG itong naturingan nating AFP chief of staff na si Gen. Alexander Yano ay ipinangalan ng kanyang mga magulang kay Alexander the Great, pero ngayon  wala akong nakikitang greatness sa taong ito, dahil masyado siyang naging pushover.

Dapat naging mas maaga ang pagiging chief of staff ni Yano noong 2008 kaya lang itinulak siya ni Gen. Hermogenes Esperon sa tabi at parang sinabihan na lamang siya ni Esperon na hindi pa tapos si Esperon na magpaligaya sa kanyang sarili bilang chief of staff sa panahon na iyon kaya mag-antay na lang siya (Yano) hanggang nakaraos siya (Esperon) sa pagpaligaya sa kanyang sarili.

Ngayon na naging chief of staff na rin sa wakas si Yano, itinulak na naman siya sa isang tabi at parang sinabihan na lang na umalis na siya sa kanyang puwesto bilang hepe ng mga sundalo. Wag mo nang hintayin na mag-retire ka, tila yan ang sinabi sa kanya ng kanyang Commander-in-Chief.

Yes Mam, Yes Madam President naman ang parang sinagot niya kay Mrs. Gloria Arroyo, ngunit parang lumabas na nakiusap na lang siyang gawing ambassador para naman hindi masyadong mahalata na naging pushover      na naman siya, yan na lang ang kanyang nakayanang hingin sa pusher na si Mrs. Arroyo.

Ito namang si Mrs. Arroyo, tila binulabog naman kaagad ang DFA at ginawa naman kaagad na ambassador sa Brunei si Yano, at nagulat na lang ang mga taga-DFA sa nangyari. Mantakin mo, si Defense Secretary Gilbert Teo­doro pa ang nag-announce sa appointment ni Yano at parang naagawan pa ng papel si Foreign Affairs Secretary Romulo sa kanyang pagmamadali, dahil siguro sa pag­mamadali rin ni Mrs. Arroyo.

Ayon kay Michael Macaraig, isang pinuno ng mga kawani sa DFA, hindi pa nga raw apru­bado ng Brunei ang appointment ni Yano ngunit na-announce na kaagad ni Teodoro. Sa larangan ng diplomasya, lumabas na isang pamba­bastos ito sa Brunei.

Inaamin ng mga taga-DFA na may prerogative naman ang presidente sa pagpili ng mga ambassador ngunit sa tingin nila ay sobra-sobra na ang mga military na naging am­bassador kaya parang naging dehado na ang mga career diplomat na nag-aantay din ng mga nararapat na puwesto para sa kanila.

Hoy Yano! Para sa akin ay hindi ka karapat-dapat na ta­ waging Your Excellency, dahil wala ka namang nagawang excellent sa iyong career. Para sa akin, isa kang bano, Yano!


ALEXANDER THE GREAT

ALEXANDER YANO

BRUNEI

DEFENSE SECRETARY GILBERT TEO

ESPERON

FOREIGN AFFAIRS SECRETARY ROMULO

MRS. ARROYO

YANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with