NPC mabibiyak kay Teodoro
SA palagay ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang mga pumusturang kandidato regarding sa Presidential Election sa May 10 ay magkakaproblema ng maaga porke may kanya-kanyang mamanukin para sa panggulo este mali pangulo pala ang mga members ng Nationalist People’s Coalition.
Ang problema tiyak ng mga kuwago ng ORA MISMO, na ito ang maghahati sa partihan este mali partido pala ng Nationalist People’s Coalition.
Ang kinatatakutan pagkakawatak-watak ng mga kasapi ng NPC, ay nang ihayag ni Defense Secretary Gilbert C. Teodoro Jr. ang kanyang balak na tumakbong President sa Philippines my Philippines sa darating na May 2010.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, sa NPC, nang ideklara ni Teodoro ang kanyang tension este mali intention pala, nabuo daw ang isang faction na susuporta sa kanyang candidacy kahit inanunsiyo na ng partido ang pagsuporta kay Senators Loren Legarda o kay Francis Escudero.
Ika nga, patay. Hehehe!
Si Gibo, tawag sa kanya ng mga close circuit este mali friends pala ang sinasabing point man ni NPC Bigboss Danding Cojuangco at sumasampalataya sa kanya ang halos lahat ng Bossing sa NPC.
Ang isa pang pinagmumulan ng kalituhan sa party members ay ang political affiliation ng NPC.
Bilang political party, identified ang NPC sa administration at oposisyon.
Nasa ruling coalition ng Lakas-Kampi ang majority ng NPC members.
Mahirap ang sitwasyong kinalalagyan ng NPC at hindi malaman kung saan sila kasama.
Sabi nga, problema.
Sa administration ba o sa opposition? At ito ang dapat madesisyunan ng liderato.
Marami sa NPC members ang gustong magpasiping este mali manatili pala sa ruling coalition dahil sa tinatanggap nilang “political benefits.
At majority ng members ang naghayag ng kanilang pagsuporta kay Teodoro.
Ipinaliwanag ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na mas madali para sa NPC members na suportahan si Teodoro na member ng Lakas-Kampi coalition, dahil kilalang nasa oppostion sina Legarda at Escudero.
Mahirap asahan ang suporta ng lahat ng NPC members kung sakaling magdedesisyon ang partido kung sino ang official Presidential candidate.
Suportado nina Zamboanga Del Sur 2nd District Congressman Antonio Cerilles, Camiguin Governor JJ Romualdo, at dating Danao Congressman at ngayon ay Tourism Secretary Ace Durano si Teodoro.
Inaasahang mas dadami pa ang NPC members na susuporta kay Teodoro kung mabibigo ang merger ng partido sa ruling coalition.
Alam daw ni Danding, kung gaano kasensitibo ang kasalu kuyang political situation.
Kung si Teodoro ang iindorso ng administration coalition, ang lahat ng NPC members na kaalyado ng coalition ay siya ang susuportahan.
Iyong ibang members na kaalyado ng oposisyon ay posibleng makipag-alyansa sa ibang partido ng oposisyon.
Para sa majority members ng NPC, ito ay political survival. Ang relevance ng NPC ay malalaman kung anuman ang magiging desisyong ng lideratro bago ang 2010.
Abangan!
Lider ng robbery gang nalambat
CABARROGUIS, Quirino – Matapos mabaril ang isang kagawad ng pulisya ay tuluyang nasakote ng pinagsanib na pwersa ng mga awtoridad ang isang kilabot na lider ng mga highway robbery group sa Aglipay, Quirino kamakailan.
Ayon kay SPO1 Benedicto Tupil ng criminal investigation and detection group na nakabase sa lalawigang ito, kinilala ang suspek na si Leoncio Angiwan alyas Macoy ng Barangay Dungo, Aglipay sa lalawigang ito.
Nagsasagawa ng follow-up operation ang pulisya kaugnay sa pagkakaholdap sa isang truck ng Asia Brewery noong Sabado nang maka-enkwentro nila ang lider ng grupo sa nasabing lugar nitong Martes.
Sa hindi inaasahang pagkakataon ay ang lider na pala ng sindikato ang kanilang napagtanungan na agad bumunot ng .45 na baril at pinaputukan ang isa sa mga kagawad ng pulisya na nakilalang si PO3 Herson Serafica.
Dahil dito ay gumanti ang mga pulis at nabaril din ang suspek na agad ding isinugod sa San Marcos Hospital sa lalawigang ito dahil sa tama ng bala sa kanang hita. (Victor Martin)
- Latest
- Trending