ITO siguro ang leksyon para kay Rodolfo “Jun” Lozada. Huwag babangga sa pader. Ngunit tila minatamis pa ni Lozada ang bumangga sa pader kahit magkawindang-windang ang kanyang katawan.
Isang monumental anomaly ang ibinunyag ni Lozada hinggil sa ZTE-broadband deal na nagdadawit sa matataas na opisyal ng gobyerno, pati na ang Pangulo ng bansa at kanyang asawa.
Ngunit kung sino pa ang nagbulgar na katiwalian ay siya pa ngayong nakakalaboso. Puwedeng magpiyan-sa si Lozada para sa kanyang pansamantalang paglaya. Pero hindi niya ito ginawa. Minabuti pang maku-long bilang protesta sa baluktot na sense of justice na naghahari sa ating bansa.
Inaresto kamakailan si Lozada dahil sa reklamong perjury o pagsisinungaling laban sa kanya ni Mike Defensor na naunang inakusahan ni Lozada na nag-alok sa kanya ng malaking suhol kapalit ng pananahimik sa usapin. Ito’y bagay na pinasinungalingan ni Defensor kaya niya inihabla ng perjury si Lozada.
Hindi ko sinasabing tama si Lozada at ang gobyerno ang mali. Ngunit sa mata ng taumbayan, ganyan na nga ang lumalabas.
At habang nakikita ng taumbayan na dumaranas ng pag-uusig ng administrasyon si Lozada, lalo pa itong nagmumukhang bayani. Alam ni Lozada iyan kaya hindi siya natatakot mabulok sa kulungan porke ang sim- patiya ng marami ay nasa kanya. Bumangga man siya sa pader at mapisak na tila kamatis, okay lang para sa kanya dahil bida siya sa mata ng tao.