^

PSN Opinyon

Mas madaling kumalat ang epidemya ng hysteria

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

Sold out na naman sa mga botika ang surgical mask na nauso noon sa SARS scare. Anumang pagpahinahon ang gawin ng pamahalaan – sabihin pang walang kaso ng SWINE FLU sa Pilipinas – hindi pa rin maaawat ang ating Panic Buyers na magstock na ng mask, alcogel at iba pang kontra sakit. Sigurista ang Pinoy. Matatagalan bago mabawi ng mangangalakal ng produktong baboy ang tiwala ng mamimili.

Hindi pa nararamdaman sa ngayon subalit sigu­ ra­dong magiging pabigat itong Swine Flu Scare sa pang­mundong krisis ekonomiya. Katakut takot na international travel patterns at international trade relations (lalo na sa agrikul­tura) ang madidiskaril. Sa mga lokal na negosyo, sino pa ang kikita kapag magpasya ang taong bayan na magkulong sa pamamahay? Sa Egypt nga ay nagde­sisyon na ang pamahalaan na ipapatay ang buong populas­yon ng baboy – mga 500,000 heads. At maaa-wat ba ang pagsabog ng krimen sa isang lipunang na-bu­buhay sa takot?

Tulad ng naisulat natin sa huling column, edukasyon pa rin ang balang papaslang sa halimaw. Maiiwasan itong collateral damage kung armado lang tayo ng kaalaman. Example: safe naman kainin ang baboy basta lutuin ng husto; sa Mexico lang yata nagkakamatayan – sa ibang bansa, pa-isa isa kaya nagugulantang ang eksperto; tayong Pinoy na sanay sa trangkaso at pinalaki sa litson ay marahil mas may imunidad laban dyan dahil lumakas na ang ating mga immune system laban sa flu.

Kung tutuusi’y hindi naman matatakasan ng anu-mang bansa ang SWINE FLU. Isa ito sa mga sakit na matatawag na “NO BORDERS”. Kahit pa mag-total ban sa international travel – hindi naman mahaharang ang pagpasok ng taong na­hawa na pero walang sin­tomas pag­dating sa airport.

At sa mga bansang may common border, paano na­man mababantayan ang lahat ng boundary line? Para ka lang pumasok sa Pampanga galing sa Bu­lacan.

Mukhang kailangan mu­nang lagpasan ng bansa ang epidemya ng hysteria at Ignorance.

Tapusin na natin ang labang ito nang mas ma­daling makafocus ang la-hat sa tunay na peste.


ANUMANG

ISA

KAHIT

KATAKUT

MAIIWASAN

PANIC BUYERS

PINOY

SA EGYPT

SHY

SWINE FLU SCARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with