Kauna-unahang cybersex den sa CDO!

NABULABOG ang maunlad at prominenteng lungsod ng Cagayan De Oro (CDO) dahil sa pagkakatuklas sa isang cybersex den sa nasabing lugar.

Nagsimula ang lahat ng lumapit sa BITAG ang dala­wang babaeng nakatakas na narecruit upang maging performers sa nasabing cybersex den sa CDO.

Bawat himay ng kanilang sumbong, pinag-aralan at tinunton ng BITAG.

Ayon sa dalawang nakatakas, nirecruit sila dito sa Maynila upang maging staff sa internet café sa Singa-pore. Lingid sa kanilang kaalaman, may panlilinlang na dito.

Pagdating sa airport ng recruiter at mga biktima, ang kanila palang tungo, hindi sa Singapore kundi sa Caga-yan De Oro dahil makikita ang flight location na naka­limbag sa ticket pasakay sa eroplano.

Alibay ng kanilang recruiter, pansamantalang doon muna sila magte-training bago dumiretso ng Singa­ pore.

Subalit laking gulat ng mga kababaihang na-recruit mula sa Maynila na isang cybersex den ang kanilang papasukan, at ang kanilang trabaho, cybersex performer.

Pagdating sa Cagayan De Oro, agad daw silang pinag­trabaho, binigyan ng tig-iisang kuwarto at mga sex toys na ginagamit sa harap ng webcam ng mga cyber-sex performer.

Dahil hindi kayang sikmurain ng dalawang biktima    ang kanilang trabaho dahil ang labanan dito ay babuyan ng pagkatao kung kaya’t pinilit nilang tumakas.

Maging ang dalawang mailap na Swedish nationals na nasa likod ng cyber­sex den sa Cagayan De Oro, natunton ng BITAG kasama ang National Bureau of Investigation at Philippine National Police ng Cagayan.

Ang buong detalye nga­yong Sabado ng gabi, ang matagumpay na ope­rasyon ng pinagsanib puwersa ng BITAG, Mission X, NBI at PNP sa Ca­gayan.


Show comments