^

PSN Opinyon

Ang pagkamatay ni Ombra Nilong

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PINAIIMBESTIGAHAN ni Philippine National Police bossing Jesus Ame Verzosa ang isang insidente na nangyari sa South Cotabato dahil inambus todits ang isang Ombra Nilong na kasalukuyang nakabitin pa ang imbestigasyon ng ilang lespiak dahil may humarang daw na mataas na officer from the PNP.

Sabi ni Verzosa, sa mga kuwago ng ORA MISMO, no one is above the law kaya kahit na sino pa ang kamoteng ito tiyak sa kalaboso pupunta basta ang importante aniya ay may mabigat na ebidensiya na makukuha sa partisi­pasyon nito.

Ganito ang kuento ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na dumating sa tang­gapan ni Chief PNP na iniimbestigahan na ngayon.

Ang kuento si Ombra Nilong ay inambush last February 24, 2009 bandang 9am sa Polomolok, South Cotabato ng tatlong lalaking naka-bonnet. May kasama siyang tatlong alagad dahil mag­hahatid sila ng pagkain ng baka sa farm.

Nakasakay ang mga ambushers sa isang blue o green na mini-Pajero (Pajero Jr.). Nangyari ito malapit sa highway ng Polomolok sa area ng Brgy. Sulit.

Nag-imbestiga ang lokal na PNP ng Polomolok headed by Col. Raul S. Supiter. Maganda naman ang naging takbo dahil nakilala at nasampahan ng kaso ang isa sa mga sinasabing gunmen na si Satar Cadatuan na kamag-anak ni Ombra.

For information-mga Muslim ang mga ito.

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, bago umabot sa identification ng suspek, may hinala na ang pamilya ni Ombra na ang nasa likod ng pagpaslang ay si koronel.

Ayon sa kuento, isang araw matapos ma-ambush si Ombra ay nagpunta daw si koronel sa investigating group at nagtatanong tungkol sa nangyari at kung ano na ang progress ng im­bes­tigasyon pero nagtataka ang mga investigator na may taong itinuturo si kornel na sinasabing sila ang umupak kay Ombra.

Ayon sa asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, halos everyday and holiday ay panay daw ang follow - up ni koronel sa case.

Naku ha!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si koronel ay mayroon sasakyan na katugma na ginamit ng mga ambusher.

Parang walang duda tinanong ng mga investigator si koronel kung puede itong ma-iksamin dahil may nagtuturong parang ito ang ginamit ng mga culprit ng banatan si Ombra. Noon una ay pumayag si koronel na mag-paimbestiga ng sasakyan tulad ng pagkuha ng litrato at iba pa pero ng bandang huli ay umayaw ito porke ang sabi daw ng abogago este mali abogado nito ay baka ma-incriminate siya sa case.

Dahil sa mga pagdududa ng mga investigator kay koronel ay inirekomenda daw nilang ilipat muna sa ibang place ang huli.

Up to now ay hindi nalilipat ng assignment si koronel dahil malakas daw ito sa pamunuan ng PNP.

Naku, lagot ka kay Jess!

Mayaman daw si koronel kung maglagay daw ito ay ektaryang-ektaryang lupa sa mga kayang niyang kurapin.

Kailangan magkaroon ng masusing imbesti­gasyon ang PNP Crame para hindi malaman ang buong katotohanan sa pangyayari.

Dapat gawin ito sa lalong madaling panahon para hindi na bumaha ng dugo sa pagitan ng mga taong hinihinlang nagpatumba kay Ombra Nilong.

Abangan.

AYON

DAHIL

DAW

KORONEL

OMBRA

OMBRA NILONG

POLOMOLOK

SOUTH COTABATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with