No.1 ang Salamat Dok sa ABS-CBN
MALAKI ang naitutulong ng programang Salamat Dok ng ABS-CBN sa kalusugan ng ating bayan. Ayon sa survey, ito ang number 1 health show ng bansa. Ano ang sekreto ng kanilang tagumpay?
Cheryl Cosim: Charitable TV host
Ang batikang host ng Salamat Dok ay ang maganda at charming na si Ms. Cheryl Cosim. Kakakasal pa lang ni Cheryl kay John, isang businessman. Very credible si Cheryl bilang host at ika-5 taon na niya ngayon sa Salamat Dok.
Bawat linggo ay iba’t iba at maraming matutunan sa kanilang paksa. Minsan pampaganda, sakit sa puso, sa baga, sa buto at iba pa. Lahat na yata ng problema sa ka-lusugan ay natalakay na. At kung may katanungan kayo, puwede kayong tumawag sa ABS-CBN para magta- nong habang ume-ere ang show.
Pier Pastor: Batikang reporter at host
Ang isa pang host na nagpapalakas sa programang Salamat Dok ay si Ms. Pier Pastor. Si Ms. Pier ang lumilikom ng pinakabagong balita tungkol sa medisina at ibinabahagi niya ito sa publiko. Bilang isang TV Patrol reporter, sanay na sanay na si Ms. Pier sa ganitong pagbabalita.
At bukod sa pagbigay ng impormasyon, may libreng medical mission pa ang Salamat Dok na ginaganap sa ABS-CBN garden. Natutuwa kami na maging bahagi ng medical mission at programa ng Salamat Dok.
Producers Ms. Marielle Catbagan at Ms. Cheryl Favila
Ang tagapag-isip ng konsepto ng programa ay nakasalalay sa Executive Producer. Noong mga unang taon ng Salamat Dok, inalagaan ito ni Ms. Cheryl Favila, na hanggang ngayon ay laging pinupuri ng mga staff. Si Ms. Favila ngayon ang Executive Producer ng Umagang Kay Ganda.
Ang pumalit kay Ms. Favila ay si Ms. Marielle Catbagan na lalong nagpalakas at nagpalawak sa programa. Sa tulong nila, ang Salamat Dok ay nanalo na ng limang parangal: 3 Anak TV Awards, 1 Golden Dove Award at 1 USTV Award. Congratulations sa lahat ng staff ng Salamat Dok: Michelle Navarro, Obet Serrano, Otek Sale, Aida Salamat, Alex Gero nimo, Maila Cuevas, Raquel Tagle, Eder Austria, Rowena Campoy, Rea Tiama, Miriam De la Cruz, Jerome De la Cruz at Joan Montero.
Nagpapasalamat din kami kay Ms. Flor De La Rosa, ang presidente ng Grace Park Lion’s Club ng Caloocan City District 301-D2, dahil sa pagtulong nila sa medical mission. Libreng salamin, pagkain at giveaways ang dala-dala palagi ni Ms. Flor para sa mga pasyente. Iniimbitahan ko kayong manood ng Salamat Dok sa ABS-CBN tuwing Sabado, 6 a.m. at Linggo, 7:30 a.m.
- Latest
- Trending