^

PSN Opinyon

Tingnan mo ang iyong mga kinakain!

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KUNG pagkain ang pag-uusapan, wala nang tatalo pa sa panlasa ng mga Pinoy. Walang pili ika nga, mapa­lutong-bahay man, lako at street foods hindi natin pinala­lagpas.

Ganunpaman, nais magbigay ng babala ng BITAG sa mga pagkaing pumapasok sa ating bibig, hindi nga tayo maselan, baka nalalagay naman sa panganib ang ating kalusugan.

Dahil sa parang mga kabuteng nagsulputan ang mga street foods saan mang lugar sa bansa, isang imbestigasyon ang isinagawa ng BITAG.

Sinuyod namin ang mga lugar kung saan mata­tagpuan ang paborito ng mga Pinoy na street foods.

Sa pag-iikot ng aming grupo, napansin ng BITAG na talagang patok na patok ang mga pagkaing kwek-kwek, fishballs, kikiam at calamares.

Pinagkakaguluhan naman kahit saan ang mga ihaw-ihaw ng mga parte ng manok, isda at baboy.

Hindi alintana ng ating mga kababayan ang lugar na pinagtitindahan o puwesto ng mga nasabing street food.

Wa epek din kung iba-iba at salu-salo ang mga nagsa­­sawsaw sa sawsawan. Ang mahalaga, malamnan ang mga kumukulong tiyan.

Subalit mag-ingat, ang mga pagkaing mula sa maruming kapaligiran at hindi malinis ang paghahanda, posibleng magdulot ng iba’t-ibang sakit sa tao.

Hindi gawain ng BITAG ang manakot, nagbibigay babala lamang kami dahil sa panahon ng krisis ngayon, hindi na importante kay Juan dela Cruz kung ano ang kanyang kinakain.

Ang mahalaga, ma­sarap at mura, lamang tiyan na! Hindi rin kami naninira ng ne­gosyo dahil hindi naman sina­sabi ng BITAG na ang mga pagkaing naunang nabanggit sa espas­yong ito ang mga pagkaing nagbibigay ng sakit.

Ang layunin ng BITAG, imulat ang mata ng sinuman upang makita ang katoto­hanan na hindi dahil sa ka­hirapan, hindi na dapat intin­dihin ang kalusugan.

Maingay pa naman sa mga panahong ito ang usapin sa swine flu. Mabuti na ang nag-iingat at umiiwas.

Ang tanong ng BITAG, mahilig ka ba sa pagkaing kalye o street foods? Buweno, antabayanan ngayon darating na Sabado, alas-9 ng gabi sa BITAG at ng iyong malaman kung ano ang dulot ng mga pagkaing paborito mong kainin!

BITAG

BUWENO

CRUZ

DAHIL

GANUNPAMAN

PAGKAING

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with