^

PSN Opinyon

Private printer umaray sa birada natin

- Al G. Pedroche -

MAYROONG isang private printer (hindi ko na panga­ngalanan) na “umaray” sa isinulat natin sa kolum na ito noong March 26, 2009 na may pamagat na “National Printing Office sinasabotahe ba?”

Kaugnay ito ng pag-aalis sa ekslusibong karapatan ng NPO na ilimbag ang lahat ng mga security printing needs ng mga ahensya ng pamahalaan. Sa bagong policy na kinatigan ng “legal opinion” ng Malacañang, ang bawat ahensya ng pamahalaan ay puwede nang pumili ng kani-kanilang printers na kokontratahin. Ang pinupunto natin ay delikado ito dahil tinatanggalan ng poder ang NPO na pangasiwaan at bantayan ang pagli­limbag ng mga security forms ng gobyerno tulad ng mga balota sa eleksyon. Ugat ito ng anomalya kahit itanong ninyo sa barbero kong si Mang Gustin.

Naniniwala ako na kung may iisang ahensya na manga­ngasiwa sa printing ng mga security forms ng gobyerno, magkaroon man ng anomalya ay agad matu­tukoy ang dapat managot.

May ipinadalang reklamo sa atin na nagsasabing isang “suspendidong private printer” ang gumamit ng implu­wensya sa palasyo para magpalabas ng legal opinion na kumakatig na bayaang kumuha ng sariling printer ang bawat ahensya ng gobyerno. Walang tinukoy na pangalan ang ipinadala sa ating reklamo.

Pero umaray ang private printer na ito nang sumulat sa ating kompanya. Direktang ipina­dala ang sulat sa ating CEO na si Mr. Miguel Bel­monte. Nagbantang sasam­pa­han tayo ng kasong libelo. Unang-una, ni hindi ko kilala ang kompanyang ito at ang diwa ng ating kolum ay pag­puna sa isang patakarang dis­palinghado. Bakit nagkaroon pa ng National Printing Office kung wala ring poder na mangasiwa sa paglilimbag ng mga security forms ng gob­yerno?

Kahit ibinunyag ng printer na ito ang identity, hindi ko pa rin ito ipa-publish dahil wala tayong intensyong manira. Kaya sa printer na ito, heto lang ang ating hiling: Pakisabi lang ng diretso at malinaw kung ano ang gusto niyong gawin ko. Kung isusulat ko ang inyong panig, mailalantad ang inyong identity at ang sina­ sabing anomalyang kina­sasangkutan ninyo. Hindi kayo ang tinutuligsa at bina­banatan ko kundi ang maling sistema sa gobyerno. Sana maging klaro sa inyo iyan Atorni.


ATORNI

BAKIT

DIREKTANG

KAHIT

KAUGNAY

MANG GUSTIN

MR. MIGUEL BEL

NATIONAL PRINTING OFFICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with