^

PSN Opinyon

Swine influenza

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

MERON na naman peste na maaring pumasok sa Philippines my Philippines kung hindi ito magagawan ng paraan ng mga bright people sa government of the Republic of the Philippines.

Sabi ng mga madlang bright people sa mga kuwago ng ORA MISMO, kailangan maging alerto ang mga taga-NAIA sa mga pa­saherong pumapasok from aboard este mali abroad pala para matiktikan nila ang mga kamote este mali ang madlang passenger na mayroon ‘flu like symtoms’ na sakit na kaparis ng ikukuento natin.

Ang ‘swine flu’, ay isang uri ng sakit na maaring mapunta o dala ng air o direktang contact galing sa animal o isang taong infected nito dahil maaring magkaroon ng tinatawag na pig to human at human to human transmission.

Sabi nga, sakit!

Ang swine flu, ay isang uri ng sakit katulad ng trangkaso dahil nila­lagnat din ang tatamaan nito at nagkakaroon ng sakit sa lalamunan.

Ayon sa mga bright people na nakaututan dila ng mga kuwago ng ORA MISMO, nasa red alert statue este mali status pala ang mga hospital sa Philippines my Philippines dahil ang mga doktor todits ay nakahanda na sa mga maaring mangyari kapag nakapasok ang ‘swine flu;’ sa Republic of the Philippines kaya ever ready na sila sa mga anti-viral medicines na panggamot sa nasabing nakakatakot na sakit.

Hindi dapat matakot ang madlang people kapag naka-tsibog ng pig na may swine flu alaws mangyayari sa inyo sabi ng mga bright na doktor ang madaling tamaan at maaring magkaroon ng sa­kit ay ang mga taga-babuyan dahil mas malapit sila sa mga ito.

Ang isa pang malakas makahawa ay ang mga taong bu­mabahin o ang mga umuubo na may taglay ng nasa­bing virus.

Para hindi magkaroon ng ‘swine flu’ dapat iwasan magpunta sa mga lugar na mayroon nito. Magtakip ng mga ilong kapag may mga nakatabi kayong bumabahin o umuubo at para sa sariling proteksyon gumamit ng face mask o surgical mask.

Sabi nga, mag-ingat tayo!

 Engineer Renz sa Kyusi sumisikat

LAMAN yesterday ng karamihan sa mga tabloid ang pa­ngalan ni Engineer Renz ang bagong jueteng lord sa Quezon City.

Isang Major abalone, dyan sa Karingal ang nagbigay pala ng basbas para maka-bola ng tatlong beses si Engineer Renz sa kanyang dayaan bolahan.

Ang DILG ang kinakaladkad ng mga bata ni Engineer Renz at mga tauhan ng NBI ang sinasabing protektor daw sa kanyang pa-jueteng?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kung si Major abalone ang nagbigay ng basbas kay Engineer Renz bakit ipinagkakalat ng mga bataan nito na kasama sa intelihensia ang DILG at NBI?

Mukhang malakas ang kamote?

Isang Maricel pala from the malakanin este mali Malacañang pala ang nagtulak na magpa- jueteng ito sa Kyusi.

Si Maricel mga kamote ay ang bagong syota ng isa sa kontrobersyal na tao dyan sa palasyo.

Sabi nga, hindi ito si eto? Hehehe!

May clue na kayo mga lagapot alam na ninyo marahil kung sino ang syota sa palasyo. Hehehe!

Kaya naman itong si Engineer Renz ay bagyo sa kyusi alaws sumasaling sa kanyang dahil sa koneksyon.

Ika nga, pitsa.

Abangan.


vuukle comment

ENGINEER RENZ

HEHEHE

ISANG MAJOR

ISANG MARICEL

KYUSI

QUEZON CITY

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SABI

SI MARICEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with