Election-nearing
TALAGANG umaalingasaw na ang politika sa bansa. Isang taon na lang ay eleksyon na. Elections are nearing kaya ngayon pa lang ay marami nang nag-e-electioneering. Wala pang campaign period ay nangangampanya na! Some shrewed and well-funded politicians can get away with this. Surely they can because there is no law banning the same!
Nung Sabado ay natalakay natin sa kolum na ito ang malalaking tarpaulin na may larawan ng kung sinu-sinong politiko na wala namang mensahe kundi pagbati ng “happy graduation” at kung anu-anong greetings kumporme sa okasyon. Ang tunay na layunin nito ay hindi talaga para bumati kundi para isaksak sa isip ng mamamayan ang kanilang mukha at pangalan. Pero small-time lang iyan.
Dumako tayo sa talagang big-time. Yung mga politikong may milyones na gagastusin ay mayroon nang mga political ads sa radio, telebisyon at diyaryo, masquerading as advocacy ads. Madalas pa nga ay ipinangangalandakan ang mga pagtulong nila sa mga nangangailangan gaya ng mga inaabusong OFW. Hindi talaga sila mapipigilan dahil walang batas na nagbabawal diyan. Ang electioneering ay pagbabawal sa mga rehistradong kandidato na mangampanya bago ang nakatakdang campaign period. At komo hindi pa nakakapagparehistro ng kandidatura ang mga ito, malaya silang mangampanya basta’t may perang lalaspagin. Pagdating nang panahon ng halalan, nakatatak na ang pangalan nila sa isip ng madlang botante.
Sa kasong ito ng 2010 elections napakahaba ng panahon para lumikha ng “goodwill” ang mga kandidato sa mga mamamayan.
Nanawagan kamakailan ang chairperson ng Pastoral Council for Responsible Voting na si Henrietta de Villa na itigil ang ganitong gawi na maagang pangangampanya. Unang una, limpak-limpak na milyo nes ang ginagastos ng mga politikong ito na ang karamihan ay nakapuwesto pa sa gobyerno. Kaya kaduda-duda kung saan nanggagaling ang salaping ginagastos nila. This they have to explain to the public.
Oo nga naman. Kung pe rang mula sa kaban ng bayan ang ginagastos nila, paglapastangan ito sa milyun-milyong Pilipinong nagbabayad ng buwis.
Pangalawa, paano naman yung mga kandidatong may kakayahan sa puwestong hi nahangad pero walang perang gagastusin sa pangangampanya? Dehado agad sila ng mga trapo na may milyones kun di man bilyones na gagastusin.
Kailangan ang batas dito. Kung wala, para lang tayong sumusuntok sa buwan sa kababatikos sa ganyang gawi ng ibang politikong may kutsa rang ginto sa kanilang bibig.
- Latest
- Trending