^

PSN Opinyon

Bakit po ba nagkaka-tipus?

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -

Dear Dr. Elicaño, hiling ko po sana na ang tungkol naman sa typhoid fever o tipus ang i-topic mo. Ako po ay isang ina na may dalawang anak na maliliit pa at laging may lagnat. Sa pagkaalam ko, kapag mataas na mataas ang lagnat ay maaaring magkatipus. Salamat po nang marami. —DIGNA ng Socorro, Or. Mindoro 

Minsan ko nang naging topic ang tungkol sa tipus.   Siguro e hindi mo nabasa o maaring hindi nakabili. Sana ay regular ang Pilipino Star NGAYON sa Or. Mindoro para mabasa mo nang palagian.

Nagkakaroon ng tipus dahil sa bacterium na nakatira o nananahan sa maruming tubig. Kapag nainom ang tubig na may bacterium magsisimula na ang atake ng tipus. Depende sa dami ng organisms na nalunok kung gaano kabilis lumabas ang sintomas. Kadalasan, may mga carrier na ng tipus pero walang makita sa kanilang sintomas.

Ang mga sintomas ng tipus ay ang pananakit ng ulo, kasu-kasuan, tiyan, sore throat at pagdurugo ng ilong. Makararanas ng pagkauhaw, pagtatae na may kahalong dugo at pagkakaroon ng rashes sa tiyan at dibdib.

Kapag sobra na ang taas ng lagnat ng may tipus, mang­hihina siya at halos hindi makabangon. Isang delika­dong mangyari ay ang paghina ng tibok ng puso. Maaa­ring magka­roon din ng anemia, enlargement ng spleen, blood changes at pagkakaroon ng protein sa urine. Ang iba pang kum­pli­kasyon ay ang pneumonia, acute hepatitis, cholecystitis, meningitis, tissue abscesses, endocarditis at kidney inflammation. Maaaring ikamatay ang mga kumpli­kasyong ito.

Binibigyan ng antibiotics ang may tipus. Maaaring ibi­gay ang chlorampenicol, ampicillin, ceftriaxone at cefo­perazone.

Hindi kakalat ang tipus kung pananatilihin ang kalinisan. Kung malinis walang tipus. Magsabon at maghugas ma­buti ng kamay pagkatapos gumamit ng comfort room. Dapat ma-sterilized ang clothing and beddings ng pasyente.

Magpabakuna laban sa tipus. Magpahingang ma- buti ang pasyente upang    ma­daling makarekober sa tipus.


BINIBIGYAN

DAPAT

DR. ELICA

KAPAG

MAAARING

MINDORO

PILIPINO STAR

SHY

TIPUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with