Protector of the people
MAPALAD ako na nakadalo ako sa isang pagpupulong ng Subsidiarity Movement International (SMI) kung saan nakilala ko ang mga tunay na makabayan na katulad nina Sixto K. Roxas at Philip Camara. Hindi na rin ako nagtaka na sa isang pagpupulong nga mga nagmamahal sa bayan, lahat ng dumalo ay walang pagmamahal kay Mrs. Gloria Arroyo at lahat ay nagnanasa na matanggal na ang kan yang gobyerno.
Ang layunin ng SMI ay mapaganda ang pagpatakbo ng gobyerno ng Pilipinas at ang nakita nilang paraan ay ang pagbigay ng poder or empowerment sa mga local government, kung saan nais nila na mawala na rin ang matinding corruption.
May mga dumalo sa pulong na nagmungkahi ng rebolusyon, at hindi na rin ako nagtaka sa mga ganoong mungkahi, dahil naintindihan ko ang galit ng mga tao sa bulok na pamahalaan ni Mrs. Arroyo at kanyang mga kaalyado.
Bagamat ako rin ay nagnanais ng pagbabago, sinabi ko sa mga dumalo sa pulong na hindi na natin kailangan ang isang madugong rebolusyon, dahil may probisyon naman sa ating Constitution kung saan maaring kumilos ang military upang ipagtanggol ang mga tao laban sa mga kalaban nito.
Sinabi ko na ang ating military ay wala namang kalaban na mga dayuhang puwersa na lumulusob sa Pilipinas. Sa halip, kung titingnan lamang nila ang katotohanan, makikita nila na ang tunay na kalaban nila ay isang mapag-aping rehimen na nagsasagawa ng massive graft and corruption or MGC, na sa aking pananaw ay nagkakahulugan na rin ng Mike and Gloria and Company.
Ayon sa ating Constitution, maaring mag-invoke ang military ng kanilang tungkulin na protector of the people, at maari nilang gawin ito hindi sa madugong paraan, kundi sa mapayapang paraan ng withdrawal of support.
Sinabi ko na hindi illegal ang withdrawal of support at bilang patunay, nagawa na ito noong EDSA II, kung saan ang mga heneral na nag-withdraw ng support ay hindi naman nakasuhan, hindi naman naparusahan, bagama’t na- promote pa at nabigyan pa ng mga matataas na puwesto hanggang sa ngayon.
Ano pa kaya ang hinihintay ng ating mga military? Nakikita naman nila kung gaano na ang tindi ng paghihirap ng mga tao, at kung papaano na kalaki ang galit ng mga tao kay Mrs. Arroyo. Nakikita kaya nila na kung hindi sila kumilos sa mapayapang paraan, baka mauwi pa sa madugong paraan ang galit ng mga tao?
- Latest
- Trending