^

PSN Opinyon

Golden boy na si Johnny

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

TOMORROW, April 26, 2009 ang ika-50th birthday ni Johnny Magalona ang kaibigan ng mga kuwago ng ORA MISMO, na isa sa pinakamagaling na kolumnista ng dyaryong Remate.

Imbitado ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa kaarawan niya tomorrow ang magarbong celebration ng birthday party ay gagawin sa isang malaking basketball court dyan sa 734 Old Torres St., Subdivision dyan sa Tondo Manila sa ganap na alas-6 ng gabi up to morning ng Lunes.

Sabi nga, wala ng uwian!

Lahat ng mga nakakakilala kay Johnny, mga kamag-anak, kaibigan, kaaway, mga bebot, bakla, tomboy, may baktol o wala, lolo, lola, mga syota, mga dyarista at lahat ng gustong magpunta ay inaanyayahan kayo sa nasabing occassion.

Huwag na kayong magdala ng gift para kay Johnny dahil baka tanggihan niya iyan at mapahiya pa kayo.

Sabi ni Johnny, basta makita lang kayo sa birthday party niya ay masaya na ito.

Johnny, Happy Birthday!

Congrats, LOLO ka na.

***

MULING bumuka ang bibig ni Senate President Juan Ponce Enrile ng supalpalin nito ang mataas na singil sa kuryente dahil may mga kasamahan siya sa Senado at maging sa Department of Finance ang may gustong bugbugin ang madlang people sa higher electric bills.

Sabi ni Manong Johnny, sa ilang ahensia ng pamahalaan na maging praktikal at ibaba nila ang presyo ng kuryente at tubig sa Philippines my Philippines na matagal ng inaangal ng madlang people.

Gusto ni Enrile na 3% na lamang ang singilin sa mga power distribution companies tulad ng Meralco dahil matindi ang sinisingil ng gobierno bilang buwis sa mga ito kaya ang kuryente ay para ‘scud missle’ kung bumulusok pataas.

Sangkatutak ang makikinabang hindi lang ang mga madlang pinoy kundi maging mga foreign investor sa Philippines my Philippines dahil sa ngayon grabe ang hirap ng ekonomiya hindi lang sa bansa ito nara­ram­daman kundi sa buong mundo.

Ayon sa ilang urot, may P6 billion ang ma­wa­wa­lang kita ng government of the Republic of the Philippines kung sakaling masunod ang gusto ni Manong Johnny.

Marami ring ang nagpapalakpakan sa ibig ni Enrile dahil alam nilang marami ang makikinabang dito.

Abangan.

Kidlat, retired na sa PNP

MATAPOS ang may 23 talong este mali taon pala ay nag-tired este retired pala si Sr. Supt. Benjamin delos Santos sa kapulisan.

Hindi birong accomplishment sa PNP ang nagawa ni Kidlat.

Sabi nga, sangdamakmak!

Si Benjie ay 56 years old na bukas kaya naman bumaba na ito dahil mandatory age sa batas ang kanyang edad.

Sayang si Benjie dahil bukod sa magaling ito ay matalino pa.

Pero sabi ni Benjie sa mga kuwago ng ORA MISMO, kahit na matanda na siya ay tutulong pa rin ito sa PNP lalo’t si PNP Chief Jess Verzosa ang nakaupo ngayon.

Kaya Kuyang Benjie Mabuhay ka!

BENJIE

CHIEF JESS VERZOSA

DAHIL

DEPARTMENT OF FINANCE

ENRILE

HAPPY BIRTHDAY

JOHNNY

MANONG JOHNNY

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with