HINDI pa nga umiinit ang puwit ni NCRPO director Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales sa puwesto, aba inulan na siya ng intriga, kasama na rito ang pagpursigi umano niya na palitan si PNP chief Dir. Gen. Jesus Verzosa. Siyempre, ang lahat ng opisyales ng PNP ay pangarap na maging PNP chief. At isa na si Rosales diyan.
Subalit malaki ang paniniwala ni Rosales na ang ganitong balita ay gawa-gawa lamang ng mga kapwa niya opisyal na gusto silang pag-awayin ni Verzosa. At sa pag-uusap nila ni Verzosa, ipinangako ni Rosales na siya ang magiging No. 1 supporter ng una at panay trabaho lang ang gagawin niya. Kapag nag-retire naman si Verzosa sa Disyembre 2010, magpapasalamat daw si Rosales sa kanya kapag inindorso niya ito bilang kapalit niya. Kung hindi naman mangyari ang inaasahan niya, Ok lang ke Rosales. Kaya’t hayan, dapat matigil na ang ganitong intriga na nagkalat matapos ianunsiyo na si Rosales ang magiging NCRPO chief nga kapalit ni Dir. Pol Ba-taoil. Hehehe! Weather-weather lang ‘yan!
At ang masaya pa, itong pagpakamatay umano ng asawa ng broadcaster na si Ted Failon ay ginamit pa ng ilang intrigero para siraan si Rosales. Itong si Ro sales daw ay ginagamit ng Malacañang para diktahan ang mga imbestigador sa QCPD kung saan patutungo ang kaso. Ito kasing si Failon o Teodoro Etong ay kasama sa senatoriables ng Oposisyon at ang suspetsa ng mga kritiko ng Malacañang ginagamit ang isyu para masira ang imahe niya. Me sisirain pa ba rito sa broadcaster na si Failon? Hehehe! Imbes na ang pagkamatay ni Trinidad Etong ang imbestigahan aba baliktad ang nangyari at mga pulis sa QCPD ang iniimbestigahan sa ngayon at ilan sa kanila ay suspendido pa.
Ipinaliwanag ni Rosales sa isang radio interview na hindi dapat siya maakusa-han na pinahihirapan itong si Ted dahil sa matagal na niya itong kilala dahil naging magkapitbahay sila sa Las Piñas City. Estudyante pa lang si Ted ay nakadahop-palad na niya, aniya. Subalit dahil si Ted nga ay nandoon sa bahay nila sa Quezon City kung saan natagpuang duguan si Mrs. Etong, aba dapat lang na maimbestigahan siya. Ayon kay Rosales, sa mahigit 30 anyos niya sa serbis-yo, ang track record niya ang magsasabi kung ano ang pagkatao niya . “I treated all the cases under me with fairness and transparency and I don’t intend to change that at this time. The case of Ted would be treated fairly,” ani Rosales.
Sinabi pa ni Rosales na hindi nga niya malaman kung dadalaw sa burol ni Mrs. Etong sa Arlington funeral homes sa Araneta Ave. dahil baka kung ano ang sasabihin ng sambayanan kapag nakita siya roon. Ipinaliwanag pa ni Rosales na kaya siya na- ging NCRPO chief ay dahil sa merit at mga accomplishment niya. Si Rosales ang humuli kay dating Panukulan, Quezon Mayor Rony Mitra na nakumpiskahan ng aabot 500 kilos ng shabu at nanguna sa pag-raid ng mga shabu lab sa Cavite. At bago maging NCRPO chief, naging hepe si Rosales ng Southern at Manila Police Districts kung saan nagpakita siya ng kagalingan hindi lang sa larangan ng kampanya la-ban sa kriminalidad kundi maging sa pag-ayos ng mga gusali roon.
Abangan!