^

PSN Opinyon

Nagpupursigi raw si Rosales na palitan si Gen. Verzosa

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

HINDI pa nga umiinit ang puwit ni NCRPO director Chief Supt. Roberto “Boysie” Rosales sa puwesto, aba inulan na siya ng intriga, kasama na rito ang pagpursigi umano niya na palitan si PNP chief Dir. Gen. Jesus Verzosa. Siyempre, ang lahat ng opisyales ng PNP ay pangarap na maging PNP chief. At isa na si Rosales diyan.

Subalit malaki ang paniniwala ni Rosales na ang ganitong balita ay gawa-gawa lamang ng mga kapwa niya opisyal na gusto silang pag-awayin ni Verzosa. At sa pag-uusap nila ni Verzosa, ipinangako ni Rosales na siya ang magiging No. 1 supporter ng una at panay trabaho lang ang gagawin niya. Kapag nag-retire naman si Verzosa sa Disyembre 2010, magpapasalamat daw si Rosales sa kanya kapag inindorso niya ito bilang kapalit niya. Kung hindi naman mangyari ang inaasahan niya, Ok lang ke Rosales. Kaya’t hayan, dapat matigil na ang ganitong intriga na nagkalat matapos ianunsiyo na si Rosales       ang magiging NCRPO chief nga kapalit ni Dir. Pol Ba-taoil. Hehehe! Weather-weather lang ‘yan!

At ang masaya pa, itong pagpakamatay umano ng asawa ng broadcaster na si Ted Failon ay ginamit pa ng ilang intrigero para siraan si Rosales. Itong si Ro­ sales daw ay ginagamit ng Malacañang para diktahan ang mga imbestigador sa QCPD kung saan patutungo ang kaso. Ito kasing si Failon o Teodoro Etong ay ka­sama sa sena­toriables ng Oposisyon at ang suspetsa ng mga kritiko ng Malacañang ginagamit ang isyu para masira ang imahe niya. Me sisirain pa ba rito sa broadcaster na si Failon? Hehehe! Imbes na ang pag­kamatay   ni Trinidad Etong ang im­bestigahan aba ba­liktad ang nangyari at mga pulis sa QCPD ang iniimbes­tigahan sa ngayon at ilan sa kanila ay suspen­dido pa.

Ipinaliwanag ni Rosales sa isang radio interview na hindi dapat siya maa­kusa-han na pinahihirapan itong si Ted dahil sa mata­gal na niya itong kilala dahil naging mag­kapitbahay sila sa Las Piñas City. Es­tudyante pa lang si Ted ay nakadahop-palad na niya, aniya. Subalit dahil si Ted nga ay nandoon sa ba­hay nila sa Quezon City kung saan natagpuang duguan si Mrs. Etong, aba dapat lang na maimbes­tigahan siya. Ayon kay Ro­sales, sa mahi­git 30 anyos niya sa ser­bis-yo, ang track record niya ang magsasabi kung ano ang pagkatao niya . “I treated all the cases under me with fairness and transparency and I don’t intend to change that at this time. The case of Ted would be treated fairly,” ani Ro­sales.

Sinabi pa ni Rosales na hindi nga niya malaman kung dadalaw sa burol ni Mrs. Etong sa Arlington funeral homes sa Araneta Ave. dahil baka kung ano ang sasabihin ng samba­yanan kapag nakita siya roon. Ipinaliwanag pa ni Ro­sales na kaya siya na- ging NCRPO chief ay dahil sa merit at mga accomplishment niya. Si Rosales ang humuli kay dating Panu­kulan, Que­zon Mayor Rony Mitra na nakumpiskahan ng aabot 500 kilos ng shabu at na­ngu­na sa pag-raid ng mga shabu lab sa Cavite. At bago ma­ging NCRPO chief, naging hepe si Rosales ng Southern at Manila Police Districts kung saan nagpakita siya ng kagalingan hindi lang sa larangan ng kampanya la-ban sa kriminalidad kundi maging sa pag-ayos ng mga gusali roon.

Abangan!

ARANETA AVE

CHIEF SUPT

FAILON

HEHEHE

MRS. ETONG

NIYA

ROSALES

SHY

VERZOSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with