^

PSN Opinyon

Recruiter at lender ng 137 Pinoy drivers sa Dubai di-palulusutin ni Jinggoy

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

HINDI makalulusot sa imbestigasyon ng Senado sina Connie Paloma, operations manager ng CYM International Services and Placement Agency at si Elmer Lim ng RJJL Lacaba Financing na umano’y nanlinlang sa 137 Pinoy drivers sa Dubai.

Ito ang idineklara ng aking panganay na anak na si Senate President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chairman ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, matapos hindi sumipot sa kanyang ipinatawag na Senate hearing ang dalawa.

Ang kompanya nina Paloma at Lim ang dahilan ng pagka-stranded ng mga driver sa Dubai sa loob ng tatlong buwan mula noong Enero ng kasalukuyang taon, pero mabuti na lang at nagtapos na ang trahedyang sinapit nila.

Dumalo sa hearing ang 22 sa mga driver at isinalaysay nila ang ginawa umanong panlilinlang sa kanila ng naturang mga kompanya.

Ni-recruit sila ng CYM para magtrabahong truck drivers sa Dubai government Roads and Transport Authority (RTA) na nagha-hire umano ng 4,000 truck drivers na ang bawat isa ay pasusuwelduhin ng 5,200 dirhams o katumbas ng halos P62,400 kada buwan.

Ang bawat driver ay kinulektahan umano ng CYM ng P150,000 placement and processing fees at para rito ay pinag-loan sila sa RJJL at pinapirma sa mga walang pet­sang tseke na pambayad sa utang sa loob ng 15 buwan na magiging P405,000.

Pero pagdating nila sa Dubai ay wala palang nag­hi­hintay na trabaho sa kanila sa RTA, at dahil wala na silang pera ay napilitan silang ma­mu­lot ng maka­kain at mga mabebentang bagay sa garbage dumpsite roon.

Problema ngayon ng mga driver kung paano ma­kakan­sela ang kontrata ng utang na pinirmahan at inis­yuhan nila ng pambayad na “undated checks.”

Hindi natunton ng mga oto­ridad ang kinaroroonan nina Paloma at Lim dahil nagsara na ang mga kum­panya ng mga ito. Pero ayon kay Jing­goy, gagawa ng paraan ang Senado para mahanap at ma­papanagot ang dalawa.

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

CONNIE PALOMA

DUBAI

ELMER LIM

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

INTERNATIONAL SERVICES AND PLACEMENT AGENCY

LABOR AND EMPLOYMENT

LACABA FINANCING

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with