^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Lolobo ang mga batang trabahador

-

NOONG 2001 naitala ang pinakamaraming batang trabahador, apat na milyon! Ayon sa National Statistics Office (NSO) nasa edad lima hanggang pito ang mga batang trabahador at pito sa bawat 10 sa kanila ay nasa rural areas kung saan narito ang karamihan sa kanila. Karamihan sa kanila ay mga nagtatrabaho sa mga pabrika at ang iba naman ay nagpapaalila kapalit ng karampot na bayad. Ayon sa International Labor Organization, mas gusto ng mga nag-ooperate o may-ari ng pabrika ang mga menor-de-edad sapagkat hindi sila nagrereklamo. Sunod na la­mang sila nang sunod sa utos at kahit na mababa ang suweldo ay payag sila. Kaya naman gustong-gusto sila ng mga mapagsamantalang may-ari ng pabrika.

Noong 2007 himala namang bumaba ang bilang ng mga batang trabahador, naging 2.29 milyon na lamang. Ito ay sapagkat naging puspusan daw ang kampanya ng gobyerno na supilin ang anumang uri ng child labor sa bansa. Naging maigting daw ang pagwasak ng DOLE sa mga nag-ooperate ng pabrika na ang mga bata ang trabahador. Ang kampanya ay mata­gumpay sapagkat malaking porsiyento ang nabawas. Ngayong 2007, sinabi ng DOLE na 2.3 milyon ang mga batang trabahador.

Kahirapan ng buhay ang nagtutulak para ang mga bata ay maagang maisingkaw sa pagtatrabaho. Kailangang kumilos para hindi magutom. Subalit masama ang kinatutunguhan sapagkat mas gusto pang magtrabaho na lamang ng mga menor-de-edad kaysa mag-aral. Ang masakit pa, itinutulak na talaga sila ng mga magulang para magtrabaho at kumita. Mura pa ang mga buto ay gusto nang paki­na­bangan.

Karaniwan nang makikita ngayon sa mga lan­sangan ang mga batang nagtitinda ng bulaklak, ba­sahan, diyaryo, at marami pang iba sa kalye. Yung iba naman ay lantaran nang nagpapalimos. Kina­katok ang bintana ng mga sasakyan para umamot ng kaun­ting barya. Iyon ang utos ng kanilang mga magulang.

Ngayong lumulubha ang financial crisis ay ina­a­sahang darami pa ang mga batang trabahador, ayon sa ILO. Tiyak ito at dapat kumilos ang DOLE para mapigilan ang pagsakmal ng mga sakim na may-ari ng pabrika sa mga bata na gagawin nilang tra­bahador, kapalit ng kaunting barya. Iligtas sila nga­yon para maiwasan ang pagdami pa ng mga batang trabahador.

AYON

BATANG

ILIGTAS

INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION

NATIONAL STATISTICS OFFICE

NGAYONG

SHY

TRABAHADOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with