MAY nauulinigan ang BITAG na isang mayor umano sa isang probinsiya sa Mindanao ang nagbigay ng pahayag na may kinalaman sa horse fighting. Matapos maipalabas ng BITAG ang garapalang labanan ng kabayo sa Bukidnon, Cotabato at Davao, sumunod naman ang mga higanteng estasyon sa kanya-kanyang bersiyon ng horse fighting.
Ayon sa impormasyon, nang tanungin daw ng isang programang balita sa isang higanteng istasyon ng TV ang isang mayor hinggil sa pagpayag nito sa ipinagbaba- wal na horse fighting, sinusunod lamang daw nila ang kanilang tradisyon.
Kalian pa naging tradisyon ang magpaaway sa kabayo na isang uri ng kalupitan at habang nagbabakbakan ang mga hayop na ito, nagkakagulo naman sa pagpupusta ang mga miron at manonood?
Mayor, baka hindi mo nalalaman, ayon sa Republic Act 8485, ipinagbabawal ang horse fighting. Oo nga, tradisyon at usaping espiritwal ito ng ilan nating kababayan diyan sa Mindanao at may exemption kung ito ang pagbabasehan.
Subalit walang nakalagay sa batas na maaaring magpalaban ng kabayo ng siyam na laban sa isang araw at ginaganap ng tatlo hanggang isang linggo ang derby.
Si Sen. Francis Chiz Escudero mismo ang nagsabi, ang chairman ng Animal Welfare Committee na hindi kasama sa usapang kultura, tradisyon at ispiritual ang pagsusugal.
Kaya nga tuloy-tuloy pa rin ang ganitong ilegal na gawain at pagmamalupit sa hayop dahil sa mga pulitikong katulad mo na baluktot mag-isip at magdahilan.
Ayon na nga rin sa Network for Animals, ilang malalaking pulitiko at personalidad at nag-oorganize ng laban ng kabayo at nangyayari ito dahil sa pag-iisyu ng permit na nagmumula mismo sa mga opi-sina ng mayor ng bawat bayan.
Kung meron ka pang hirit sa usaping ito, kami naman ang nag-umpisang magbulgar ng iligal na gawain na ito. Inaanyaya han ka ng BITAG sa aming programa, kung may mga diskusyon ka pang nais ihirit.