Panawagan sa Masonry

IPINAGBIBIGAY alam ni WB Biong Garing sa mga Kuyang na kasapi sa Free and Accepted Masons of the Philippines na gusto pang magbigay ng tulong dahil up to now ay tumatanggap pa ng donasyon ang Muntinlupa Square and Compass Club para sa ipinatatayong Muntinlupa Masonic Temple.

Ang mga gustong magbigay ng help para sa ipinagagawang templo ay maaring ipadala o i-abot kay Kuyang Biong, panggulo este mali pangulo pala ng Muntinlupa Square and Compass Club.

Sabi nga, brotherly love!

Jai-Alai ni Atong pilit bubuksan

MUKHANG ang mga padrino ni Atong sa malakanin este mali Malacañang pala at mga bugok dyan sa DILG ang mga mag-uunahan dumalo para sa ribbon cutting sa pagbubukas ng Jai-Alai operation ng kamote.

Matagal ng panahon nahinto ang operasyon ng jai-alai dyan sa Taft noon si Prez Ferdinand Marcos pa ang panggulo este mali pangulo pala sa Philippines my Philippines dahil naramdaman ni Apo Ferdie na dinadaya ang mga manunugal porke napasok ito ng mga sindikato noon.

Noon time ni Prez Fidel Ramos ay may grupo ng mga kamote ang sumubok na buksan ito kaya lang ang problema natunugan ng mga bright people na against sa jai-alai at mabilis na kinontra ang mga kamoteng magpa-partner sana.

Isang anak ng multi-billionaire sa Philippines my Philippines ang naglabas ng puhunan para pang suhol sa mga gagong kausap kaya lang ang problema ng matunugan ng erpat niya ang transaksyon pinagalitan ang anak.

Ika nga, iyong perang panuhol ay hindi na pinabawi sa kanyang son basta ang mahalaga sa matanda ay hindi sila magkakaoon ng problem in the future. Baka kasi pangalan pa nila ang masira. Tama ba, Henry, the sapatos magnet este mali magnate pala.

Sabi nga, hindi bale pitsa huwag lang pangalan ang masira.

Pero ang problema ng bumalik si Atong sa limelight animo’y ‘dios’ ng mga satanas ang turing niya sa kanyang sarili kaya lahat ng illegal tungkol sa usapin ng sugalan ay pinasok nito at binangkaan.

Walang magawa ang Philippine National Police kay Atong porke matigas daw ang mga padrino nitong nakuha sa Malacañang at DILG.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Ang pasugal ni Atong sa Camarines Norte, Isabela, Cagayan, Cavite echetera ay dehins mapigilan ng mga LGU’s.

Bakit?

Sila-sila lang ang makakasagot nito.

Maraming bawal kay Atong sabi ng gobierno matapos siyang bigyan parole ng government of the Republic of the Philippines.

Isa sa utos kay Atong ay ang magtanim ng palay este mali puno pala at pinagbabawalan siyang pumasok sa anuman uri ng illegal gambling pero ang lahat nito ay sinuwag ng kamote ni isa sa order ay alaws nangyari.

Bakit?

Matindi ang padrino umaalalay kay Atong.

Abangan.

Si NCRPO Boysie Rosales

IPABUBUSISI daw ni Boysie ang sinasabing bagman nito na si Noel porke ipinamamalita ng huli na may blessing siya sa una kaya siya ang umiikot para manghingi ng ganansiya sa lahat ng mga illegal sa Metro Manila including mga putahan at boldshows sa mga sauna at night club.

Lagot ka Noel!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may P850,000 weekly collection si Noel sa mga maintainer ng sugal lupa puera pa ang nahuhuthot nito sa jueteng, putahan, bold shows.

May sarili din pa video karera si Noel sa Parañaque at dehins biro ito madaming makina ang nakalatag.

Madalas din makita si Noel sa sabungan sa Pasay dahil napakalakas palang manaya nito.

Siya nga pala Boysie si Noel ay pulis Manila kaya nakakatiyak ang mga kuwago ng ORA MISMO, na maaamoy mo ang kamote.

Abangan.

Show comments