^

PSN Opinyon

2010: Sino ang tutulong sa kalusugan?

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MATAGAL nang alam ng mga pulitiko ang problema sa ating kalusugan. Una, nag-aalisan ang ating mga maga­galing na doktor at nars. Sa katunayan ay 120 munisipyo ang walang doktor.

Pangalawa, kulang sa gamot at kagamitan ang mga health centers at mga gobyernong ospital. Pito sa sam­pung maysakit ay walang pera para makabili ng gamot.

Pangatlo, napakaliit ang budget na nilalagay ng gob­yerno sa kalusugan, halos 50 sentimos lang bawat tao. Kaawa-awa talaga ang mga mahihirap na Pilipino.

Sinong tatakbong Presidente ang tutugon nito?

Hanggang ngayon ay wala pa akong nakikitang pulitiko na handang tumulong sa kalusugan. Tingnan natin ang bawat isa:

Si Senador Mar Roxas ang gumawa ng Cheap Medicines Bill, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nararam­daman ng madla ang epekto nito. Ayon sa mga naka­aalam, walang ngipin ang batas na ito dahil tinanggal na ang “generics only” at ang “price-control committee” na siguradong magpapababa ng presyo ng gamot.

Si Bise-Presidente Noli De Castro ay kahit minsan hindi ko narinigan ng malawak na proyekto para sa ka­lusugan.

Si Senador Loren Legarda ay may mga programa   para sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Ngunit sa tingin ko ay kulang siya sa malinaw na plataporma pag­ dating sa kalusugan.

Medyo mabango ang pangalan ni Senador Manny Villar sa mga doktor. Lagi niyang sinasabi na sumusu­porta siya sa mga doktor, pero kung may konkreto siyang binabalak, ay hindi ko alam.

Marami pang mga tatak­bo sa 2010 ang dapat natin ba­ nggitin, tulad nina DND Secretary Gilberto Teo­doro, MMDA Bayani Fer­nando, Senador Richard Gordon at Senador Chiz Escudero.

Pasensya na po pero ta­lagang wala pa akong na­kikita na taos-pusong tutu­long sa kalusugan ng bansa. Bakit nakaligtaan ang ka­lusugan?

Ito ang nakikita kong da­hilan. Una, maliit lang ang boto ng mga doktor (70,000 ang bi­ lang ng doktor) at mga health workers. Pa­ngalawa, baka hin­di nila alam ang solusyon. Pa­ngat­lo, wala naman ma­tin­ding nagrereklamo o nag-ra-rally.

Naniniwala akong nag­sa­salita ako para sa mga doktor: Dismayado kami sa mga puli­ tiko natin. Play safe lagi.

Kung may pulitikong tu­nay na tutulong sa kalusu­gan, han­da natin siya su­portahan at tu­lungan ma­nalo. Buhay ng kaba­bayan natin ang nakata­ya rito.

(E-mail: [email protected])

BAYANI FER

BISE-PRESIDENTE NOLI DE CASTRO

CHEAP MEDICINES BILL

DOKTOR

SECRETARY GILBERTO TEO

SENADOR CHIZ ESCUDERO

SENADOR LOREN LEGARDA

SENADOR MANNY VILLAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with