KASAMA ako sa grupong Media Pillar na nakiramay kamakalawa ng gabi sa brodkaster na si Ted Failon sa Arlington Chapel. Batid na ng lahat ang ma-trahedyang pagkamatay ng kanyang asawang si Trinidad. Matinding awa ang nadama ko para sa kay Ted. Mantakin mo naman ang situwasyon na namatayan ka na nga ng mahal sa buhay, tapos ikaw pa ang prime suspect?
Sa pakikiharap sa mga nakikiramay na dumagsa at patuloy na dumadagsa sa punerarya, pilit ang ngiti ni Ted. Hindi maitago ang hapis sa kanyang mukha. Naroroon din ang kanyang anak kay Trina na si Kaye na patuloy na nagtatanggol sa kanya at naniniwalang nag-suicide ang kanyang ina at hindi pinatay ng iba.
Malungkot na sinabi ni Ted na kinabukasan (kahapon iyon) ay nakatakda siyang humarap sa preliminary investigation sa kaso na ngayo’y nasa kamay na ng NBI dahil sa kontro bersyang sinuong ng mga elemento ng QCPD sa paghawak sa kaso. Nakababagbag ng damdaming makita si Ted.
Kami nina Kata Inocencio, Sito Beltran, Alex Tinsay, Andrea Echavez na pawang kasapi ng Media Pillar (isang grupo ng mga Christian journalists) ay isa-isang nanalangin para kay Ted at kanyang anak para maibsan ang sakit na dinadala nila sa dibdib at makaraos ng matiwasay sa masaklap na situwasyong kinalalagyan nila.
Dalangin lang ang maibibigay ko at hindi word of wisdom para makapagpapalakas sa mag-ama. How I wish I could share a wise word to heal Ted’s brokenness. But to share a word of wisdom would entail for me to experience a tragedy of the same or greater magnitude. Hindi mo puwedeng ibigay ang bagay na wala sa iyo. Pero kung maranasan ko man iyon (God forbid!), ituturing ko pa ring pagpapala dahil kasama ito sa mga pagsubok ng buhay na nagpapatatag sa isang tao at lalung naglalapit sa kanya sa Diyos. “All things work together for good to them who love the Lord and are called according to His purpose” anang Romans 8:28. Hangad ko na lumutang ang buong katotohanan sa kasong ito sa ikatitiwasay ng buhay ng pamilya ni Ted at ng kanyang yumaong asawa.
Sabi nga sa I Peter: 7-8: These have come so that your faith—of greater worth than gold, which perishes even though refined by fire—may be proved genuine and may result in praise, glory and honor when Jesus Christ is revealed. Though you have not seen him, you love him; and even though you do not see him now, you believe in him and are filled with an inexpressible and glorious joy, for you are receiving the goal of your faith, the salvation of your souls.