^

PSN Opinyon

Recruiter ng 137 Pinoy drivers, iimbestigahan ni Jinggoy

DOKTORA NG MASA - Sen. Loi Ejercito Estrada -

IIMBESTIGAHAN ng aking panganay na anak na si Senate­ President Pro Tempore Jinggoy Ejercito Estrada, chair­man ng Senate Committee on Labor, Employment and Human Resources Development, at ng joint Congressional Oversight Committee on Labor and Employment, ang sinapit ng 137 Pinoy drivers na na-stranded sa Dubai. Ito ang idineklara ni Jinggoy sa kanyang nation­wide radio progam “Boses ng Masa” na napapa­kinggan sa DZRH tuwing Biyernes, 5:30-6:00 p.m.

Bubusisiin niya ang umano’y modus operandi ng CYM International Services and Placement Agency Inc. na pag-aari ng isang Coney Paloma, ang counterpart nito sa Dubai na Al Toomoh Technical Services at ang lending company ng mga ito na RJJ.

Nagpunta sa opisina ni Jinggoy ang mga asawa ng nabiktimang Pinoy drivers at sinabing ang kanilang mga asawa ay ni-recruit ng CYM para maging truck drivers sa Dubai government Roads and Transport Authority (RTA) na ang suweldo ay 5,200 dirhams (P62,400). Bawa’t driver ay kinulektahan umano ng CYM ng P150,000 para sa placement and processing fees. Pinag-loan umano sila sa RJJ at pinapirma sa mga walang petsang tseke na pambayad sa utang sa loob ng 15 buwan.

Enero 2009 nang duma­ting sila sa Dubai pero wala naman palang naghihintay na trabaho para sa kanila. Hindi sila makapag-apply sa ibang kompanya dahil ha­wak ng Al Toomoh ang ka­ni­lang pasaporte. Dahil na­ubos na ang kanilang pera, napilitan silang ma­ ni­ra­han sa tabi ng tam­bakan ng ba­sura at ma­mulot ng scrap ma­terials at ibine­benta sa junk­shop para maibili ng pag­kain. Mabuti na lang at tinu­­lungan sila ng mga kapwa Pinoy.

Ayon kay Jinggoy, po­sib­leng pasampahan niya ng kaso ang mga nagpa­ ha­mak sa Pinoy drivers.


vuukle comment

AL TOOMOH

AL TOOMOH TECHNICAL SERVICES

CONEY PALOMA

CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE

DUBAI

EMPLOYMENT AND HUMAN RESOURCES DEVELOPMENT

INTERNATIONAL SERVICES AND PLACEMENT AGENCY INC

JINGGOY

PINOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with