^

PSN Opinyon

Brutal, bastos ang pulis kay Failon

SAPOL - Jarius Bondoc -

BRUTAL at bastos ang paghawak ng pulis sa pagpapa­kamatay ng asawa ni Ted Failon. Pinasok nilang parang mga maton ang ospital nu’ng gabi ng Huwebes, at nagpu­pumilit i-paraffin-test ang naghihingalong Trina. Nang maudlot, kinuwelyohan at pinosasan ang kapatid na lalaki, na tumulong sa mga doctor palayasin ang mga bruskong pulis sa ICU. Inaresto din ang kapatid na babae sa salang obstructing justice dahil nilinisan ng isang housemaid — hindi siya — ang duguang bathroom. Nang-aresto sila sa ilalim ng diktador Marcos decree na hindi na kailangan ng warrant sa gan’ung kaso; walang inarestong taga-Gabinete na gumulo sa ZTE scam inquiry. Nagdadalamhati noon ang kaanak ni Ted; maaring sampahan na lang sila ng pulis ng kaso sa piskal, na magbibigay sa pamilya ng sapat na araw para sumagot. Pero hindi, dahil over-ganado silang ipaki­tang walang palakasan sa kaso ng media celebrity, iginiit nilang mag-inquest sa gabi ring ‘yun. Nilabag pa ang karapatan ng kapatid: Hindi siya binasahan ng Miranda Rights, at pinagtulakan ang abogadang nais sumama sa inquest.

Nu’ng naunang hatinggabi, kinaon ng pulis si Ted sa bahay at isinailalim sa walong oras na interrogation sa headquarters. Nang payagan sa wakas ng investigation chief na umalis, humiyaw naman ang deputy at case officer sa press na tumakas umano si Ted. ‘Yun pala, nagmakaawa ang dalagitang anak na si Kaye, na sinamahan si Ted, na pahintulutan naman silang bisitahin ang agaw-buhay na ina sa ospital. Pumapatak ang mga sandali. Pinaghintay na nga sila nu’ng case officer nang tatlong oras para lang sa pirma ng natutulog na superior. Nagkatuwaan pa ang mga pulis sa gitna ng hinagpis ng pamilya; hagikgikang nagkukuhaan ng retrato habang sinisiyasat at pina-paraffin test si Ted.

Hindi nagpadaig si Justice Sec. Raul Gonzalez. Ipina-hold departure si Ted, sa sikretong hiling kuno ng isang in-law. Pero sa asal-mapagtanim ng galit at pabali-baliktad niya sa maseselang kaso, sino ang maninilawala kay Gon­za­lez? Hina-harass lang niya si Ted, malamang sa bu- long ng isang PR adviser    na sinibak sa ABS-CBN dahil sa pambubusabos.

GABINETE

HINA

HUWEBES

JUSTICE SEC

MIRANDA RIGHTS

NANG

PERO

RAUL GONZALEZ

TED

TED FAILON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with