Cancer sa uterus

ISANG sulat mula sa reader ang aking natanggap at hiniling na ipaliwanag kong muli ang may kaugnayan sa cancer sa uterus na minsan ko nang tinalakay noong nakaraang December 2008.

Ano ang sintomas ng cancer sa uterus? Pagka­karoon ng spotting sa pagitan ng menstrual period; pag­durugo pagkaraan ng pagtatalik; abnormal na daloy ng regla na minsan ay malakas at may pagkakata­ong matagal bago tigilan ng regla. Ang mga postmenopausal women ay karaniwang nagkakaroon ng pagdu­rugo. Makararanas din ng abdominal cramping o pana­nakit ng tiyan. Karaniwang nagkakaroon ng cancer sa uterus ang mga kababaihang nasa edad 40 hanggang 70.

Ano ang dahilan ng cancer sa uterus? Hindi mala­man kung ano ang dahilan ng cancer sa uterus pero sa pag-aaral lumalabas na ang nagkakaroon nito ay mga babaing matataba, may hypertension, may diabetes at mga hindi pa nagkakaanak.

Kung ang cancer ay nasa lining ng uterus (endome- trium) ang five-year survival rate ay 85 percent. Kung ang cancer ay nakakalat na malalim na bahagi ng muscle layers ng uterus, 60 hanggang 70 percent na mabubuhay ng limang taon. Kung nakakalat na sa lymph nodes, ang cure rate ay mababa na.

Paano ginagamot? Depende ang treatment sa location at lawak ng cancer. Kadalasang ginagawa ang pagtanggal sa uterus, fallopian tubes, ovaries at ang mga nakapaligid na lymph nodes. Kapag nasa advanced stage na ang cancer, ang radiation theraphy ay ginagawa.

Paano maiiwasan? Hindi pa alam kung paano ito mapi-prevent. Sa pag-aaral tungkol sa uterine at endometrial cancer, lumalabas na ang matagal na paggamit ng estrogen ay inuugnay dito.


Show comments