^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Dagat, basurahan lang sa Pilipinas

-

NANG manalasa ang bagyong Milenyo noong Sept. 28, 2006, maraming pananim ang nawasak at mga billboard na bumagsak. Pero ang mas naka­gugulat ay ang napakaraming basura na isinuka ng dagat. Ilang trak ng basura ang nakuha sa baybayin ng Manila Bay. Ang mga basurang itinapon ng mga walang disiplinang mamamayan ay ibinalik muli. Ang Manila Bay ang basurahan nang mga residente mula sa Cavite, Maynila, Malabon, Navotas at iba pang bayan na nakapaligid sa lawa.

Hindi nakapagtataka kung maging ikalawa ang Pilipinas sa may pinakaramaraming basura sa dagat. Ang nangunguna ay Amerika na may pinakamara­ming basura sa dagat at ikatlo naman ang Costa Rica. Ayon sa Ocean Concervancy, 1,355,236 na pira­so ng basura ang nakuha sa baybaying dagat ng Pilipinas. Ang Amerika ay 3,945,855 piraso saman­talang ang Costa Rica ay 1,017,621 piraso.

Noong nakaraang taon, sinabi ni President Arro­yo na ang Manila Bay ay dating malinis at ma-ra­ming nakukuhang isda. Inilarawan pa ng presi­dente ang mga sariwa at malalaking isda na nahuhuli sa dagat. Nang mga panahong iyon ay ang ama pa ni President Arroyo na si President Diosdado Maca­pa­gal ang nanunungkulan sa bansa. Hindi raw maka­kalimutan ni Mrs. Arroyo ang mga nahuhuling isda sa malinis na Manila Bay. Ngayon ay kabalik­taran na. Hindi na isda kundi mga basura ang mahu­huli sa Manila Bay.

Ilang buwan na ang nakararaan, ipinag-utos ng Supreme Court sa Metro Manila Development Authority, Department of Environment and Natural Re­sources, Philippine National Police at marami pang iba na linisin ang Manila Bay. Ang kautusan ay kaug­nay sa isinampang reklamo ng isang abo­gado sa Supreme Court na tungkulin ng pamahalaan na linisin ang Manila Bay.

Ang tanong ay kung kailan magkakaroon ng ngi­pin ang mga kautusan. Kailan magkakaroon ng katu­paran ang mga ipinag-uutos. Sa kasalukuyan, walang nakikitang pagkilos sa mga ahensiyang inatasan ng Korte Suprema para linisin ang Manila Bay. Sana hindi bulaklak lamang ng dila ang sina­sabing kam­panya na linisin ang dagat. Panahon na para pag-ukulan ng atensiyon ang sinasalaulang dagat.

ANG AMERIKA

ANG MANILA BAY

BAY

COSTA RICA

DAGAT

MANILA

MANILA BAY

SHY

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with